Pia Wurtzbach meets Hollywood stars on her first day as Miss Universe 2015

Pia Alonzo-Wurtzbach meets Hollywood stars on her first official day as the reigning Miss Universe. Apart from meeting Samuel L. Jackson and Eva Longoria, Pia also did nine TV interviews/guestings today.


Sa pagsisimula ng official reign ni Pia Alonzo-Wurtzbach bilang Miss Universe 2015 ngayong Martes, January 5 sa Pilipinas, naka-siyam na interviews/guest appearances ang Pinay beauty queen sa iba't ibang shows sa US, at isa sa Pilipinas (Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN).

Nagkaroon din ng pagkakataon ang former ABS-CBN actress na makadaupang-palad ang ilang Hollywood celebrities, kagaya nina Samuel L. Jackson at Eva Longoria.

Sa Instagram account ni Samuel, ipinost niya ang picture nila ni Pia.

Sabi naman ni Pia, via Twitter, isa siyang "huge fan" ni Samuel.

Nagkalat din sa social media ang maiksing video clip kung saan magkasama sina Pia at Eva, kung saan maririnig pa ang Hollywood actress na sinabing "I'm crashing her interview."

Ipinost din ni Pia ang litrato nila ni Eva via Twitter, kasama ang make-up artist na si Ken Paves.

Sa mga interview ng Pinay Miss Universe, sinabi niyang pangarap niyang maging Bond girl sa isang James Bond movie.

"That's also one of my dreams. Hopefully, I'll be able to do that.

"But now, I have a whole year ahead of me," sabi ni Pia sa panayam niya sa Entertainment Tonight.

Ibinahagi rin ni Pia na pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe, hindi malayong bumalik siya sa showbiz.

"I really can't imagine myself doing anything outside of showbiz," sabi niya sa show na Night Life.

Pagdating naman sa kanyang Hollywood showbiz crushes, ibinahagi ni Pia na may paghanga siya kina James Franco, Seth Rogen, at Channing Tatum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN