Ara Mina wants another baby with Patrick Meneses despite their breakup

Ara Mina on whether or not she wants to have another child with Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, "Oo. At least dalawa na ang anak niya sa akin."


Nananatiling maayos ang samahan ng aktres na si Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kahit nagkahiwalay sila bilang magkasintahan at live-in partner noong 2015.

Pahayag ni Ara sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya bago matapos ang 2015, "Wala namang nabago sa amin.

"Nawala lang yung magkasama sa house.

"Yung care sa isa't isa , nandoon pa rin."

Posible kayang magkabalikan sila?

"Hindi namin napag-uusapan. Parang come what may na lang. Kung ano ang mangyayari, tingnan natin.''

Consistent si Ara sa rason kung bakit sila naghiwalay ni Patrick.

"Wala nga kaming pinag-awayan," sabi niya.

May mga nagsasabing gusto lang talaga ni Ara na magkaroon ng baby dahil 35 years old na siya nang nanganak siya noong 2014, kung kailan si Patrick ang karelasyon niya.

Hindi na raw umano ninais pa ng aktres na magpakasal o magkaroon ng matagalang relasyon.

Depensa ni Ara rito, "Hindi naman. Siguro ano lang, wala. Di ko na ma-explain. Mahirap i-explain.

"Kasi wala kaming pinag-awayan, e. Parang... baka nagpu-post-partum [depression] siya... hindi ako!"

Itinanggi rin ni Ara na third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Patrick.

"Hindi lang siguro... may ganun talaga, e. Pero hindi rin natin masabi.

"Malay mo, in the end, kami rin. Kasi we're still both single.

"At gusto niya, pag-Christmas eve, gusto niya nandun kami sa kanila. Etong New Year's eve, nandun din kami sa kanila."

Legal daw na nakakabit ang apelyido ni Patrick sa anak ni Ara na si Amanda Gabrielle, na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan noong December.

Patuloy rin daw ang suporta ni Patrick sa kanilang anak.

MOTHERHOOD. Ang pag-aasam ba niyang magkabalikan sila ang dahilan kung bakit hindi pa rin nagpapaligaw si Ara?

Sagot ni Ara, "No. Hindi naman sa ganoon.

"Medyo maliit pa yung baby ko. e. Parang focused ako sa kanya.

"So, parang by schedule ang paglalabas ako. Kailangan settled ang baby ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I'm still breastfeeding. One year na siya.

"Sa awa ng Diyos, may gatas pa naman ako!

"Hindi ko alam, e. Naka-focus ako sa baby ko. First apo ng family ni Patrick."

Nais ni Ara na masundan ng isa pa ang panganay niya.

Gusto ba niyang si Patrick uli ang ama ng bata?

Sagot ni Ara, "Oo. At least dalawa na ang anak niya sa akin.

"Niloloko ko nga siya, e. Tumatawa lang siya.

"[Sabi ko], 'Gusto mo ano na lang, artificial insemination na lang?' Tumatawa lang siya."

Tanggap daw ni Ara na hindi sila kasal ni Patrick.

Pahayag ng 36-year-old actress, "Oo, although sa Christian way hindi maganda tingnan, di ba?

"Pero hindi naman na kami nagsasama.

"So, sa age ko, parang huwag na akong mag-inarte.

"Parang kailangan ko na ring mag-baby sa age ko. Sana next year, magka-baby pa ako.

"Hindi ko alam kung sa kanya o sa iba na. Pero gusto ko, isa pa."

NOT JEALOUS. Hindi ba naiinggit si Ara sa nakababatang kapatid na si Cristine Reyes, na ikakasal na sa live-in partner at ama ng kanyang baby na si Ali Khatibi ngayong Enero?

Tugon ni Ara, "Ever since naman, hindi ako naiinggit sa ganyan.

"Meron namang hindi ikinasal na ideal couple. Kung 'yan ang itinadhana sa iyo.

"I feel very blessed na rin dahil yung baby ko ang cute-cute."

Mas masaya raw ngayon si Ara sa personal niyang buhay.

Kuwento niya, "Hindi na nga ako sanay sa taping kasi alas-kuwatro pa lang ng umaga, pumipikit na ang mata ko.

"Hindi na ako sanay magpuyat. Hindi gaya noong bagets ako na kahit abutin ng alas-siete ng umaga, okey pa rin.

"Saka ang tagal ko ring nagpahinga. Nine months ako pregnant at isang taon na ang daughter ko.

"Two years din akong nagpahinga."

BUSY 2016. Nakini-kinita ni Ara na mas magiging maganda ang career niya ngayong 2016 lalo't may nakalinya siyang TV projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kasama ako sa Panday [TV remake na mapapanood sa TV5]. Kasama rin ako sa Tasya Pantasya, sa TV5 din.

"And then, meron din akong isa pang show sa new channel ng TV5, yung Sari-Sari, Barrio Kulimlim.

"And then, may movie ako, yung Girlfriend For Hire na sina Yassi Pressman at Andre Paras ang bida. Ipalalabas na yun.

"At saka yung indie film na pinagbibidahan ni Mateo Guidecilli na ipalalabas.

"Actually, sabay-sabay lahat 'yan.

"Balik na uli ako. Puwede na akong tumanggap ng regular soap."

Bukas si Ara sa mother roles, basta raw challenging ito.

Sa katunayan, nanay ni Richard Gutierrez ang papel niya sa Panday. Pamangkin naman niya si Yassi sa Bride for Hire.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN