Hayden Kho recalls his dark past on Instagram

In 2009, Hayden Kho Jr. was caught in a controversy after his sex videos with female celebrities were leaked on the Net. Seven years later, Hayden claims that he is now a changed man.


Nagbalik-tanaw si Hayden Kho Jr. sa kanyang pinagdaanang kontrobersiya noong 2009.

Ito ay ang sex video scandal niya kung saan nasangkot din ang ilang female celebrities.

Sa kanyang Instagram account ngayong Miyerkules, January 6, ipinost ni Hayden ang larawan kung saan binuhusan siya ng tubig ng isang lalaki.

Kuha ito sa ginanap na Senate inquiry noong May 2009 kaugnay ng video scandal ng nobyo ni Dra. Vicki Belo.

Kinilala ang nagbuhos ng tubig kay Hayden bilang si Abner Afuang, dating mayor ng Pagsanjan, Laguna at dating Manila police officer.

Pitong taon matapos ang nasabing eskandalo, nakabangon nang muli sa Hayden; gayundin ang iba pang nasangkot sa kontrobersiya.

Caption ni Hayden sa nasabing Instagram photo:

"This is how I know God is a great artist. He works with difficult materials like us??like me, and is able to make something good and beautiful out of it for all the world to see.

"Seven years ago, I was baptized by men into a world of shame and regret. When I met Christ, I was baptized by the Spirit into a glorious hope and a future.

"Prayer works. And prayer is how we cooperate with the Artist."

Naibalik na kay Hayden ang kanyang medical license noong June 2014 bilang physician, matapos siyang tanggalan ng lisensiya na nag-ugat sa pagkakasangkot niya sa sex scandal.

Bukod sa pagkakabawi ng kanyang lisensiya, aktibo na rin ngayon sa pagiging Christian si Hayden.

Noong June 2015 naman, ipinost ni Hayden ang larawan ng pagkikita-kita nila nina Katrina Halili at Dra. Vicki Belo at sinabing nagkaayos na silang pagkalipas ng maraming taon.

I had wanted to wait for the proper time to announce this reconciliation that happened last week; but since it's already out I might as well say my piece too. After seven years of enmity, Katrina, Vicki, and myself are now reconciled. And I want to say that just like the restoration of my medical license, the restoration of my relationship with Vicki, Katrina, and many others happened because I first sought to restore my relationship with God. It was by God's grace- made available through the sacrifice of our Lord Jesus Christ- that I have been restored. And I want to emphasize that when the Bible says, "Seek first His kingdom and all THESE things shall be added to you (Matt6:33)", we are given a principle that can be tested and proven to be true over and over again. All glory to God Who alone deserves it.

A photo posted by Hayden Kho, jr, M.D. (@dochayden) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN