Benjie Paras defends director Cathy Garcia: "Kasalanan ng humahawak ng talents 'yan."

Benjie Paras sides with director Cathy Garcia-Molina on the issue of being abusive to non-stars in a teleserye project. He says, "Kung nandirito lang sila to have fun and meet the actors and actress at pagkatapos ay wala silang intensiyon na maging magaling na artista, they don't deserve to be here."


Ilang beses nang nakatrabaho ng komedyanteng si Benjie Paras ang direcktor na si Cathy Garcia-Molina, na nahaharap ngayon sa reklamo dahil diumano sa pagmumura nito sa dalawang talents ng dating teleserye ng ABS-CBN na Forevermore.

Kuwento ni Benjie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ginawa namin yung movie dati na My Only You at saka yung Got To Believe, at saka kumare ko 'yan.

"Matagal ko nang kilala 'yan. Nag-start pa lang akong gumagawa ng movie, OJT [on-the-job training] pa lang 'yan."

Kumusta bilang direktor si Cathy?

"Like any other director, she's a perfectionist, nakikita ko.

"At saka pinapanood ko siyang palagi. Konting detalyeng mali, nakikita niya, which is good for our industry."

Hindi pa raw nakakausap ni Benjie si Direk Cathy, pero aware siya sa isyung kinahaharap nito ngayon.

Saad niya, "Alam mo, hindi kasalanan ni Direk Cathy 'yan, kasalanan ng mga humahawak ng talents 'yan.

"Meron kasi tayong tinatawag na Class A, Class C.

"When the role requires Class A, tapos nilagay mo Class C, hindi puwede talaga yun, nakakairita talaga yun.

"So, hindi ang director ang may kasalanan nun.

"Kapag ang director humataw ng action, dapat kumpleto 'yan, alam niya na magagaling."

NOT AN ISSUE. Bilang isang aktor, hindi raw isyu kay Benjie kung nagmumura o nakakapagmura ang direktor.

Paliwanag niya, "Sa akin kasi, lumaki ako, nag-start ako as a basketball player, sanay ako na minumura ko.

"Sanay ako na pinapauwi ako kasi hindi ako nagpe-perform nang tama.

"E, ano naman ang narating ko sa basketball? Ang taas ng narating ko sa basketball dahil diyan."

Si Benjie ang kaisa-isang PBA player na naging Rookie of the Year at Most Valuable Player sa loob ng isang taon; nagawa niya ito noong 1989.

Patuloy niya, "So ngayon, kung nandirito lang sila to have fun and meet the actors and actress at pagkatapos ay wala silang intensiyon na maging magaling na artista, they don't deserve to be here."

Paano naman yung pakiramdam ng talents na hindi na nga stars ay parang minamaliit pa?

Sabi ni Benjie, "Hindi po, pasensiya na po, hindi po kasalanan ng director 'yan, kasalanan po ng humahawak ng talents 'yan.

"So, ang stand ko riyan, hindi po kasalanan ng director 'yan."

Dagdag pa niya, "Ang problema lang kasi sa atin, masyado tayong sensitive.

"Ako naman kasi, kung nagkamali ako at minura mo ako, nagkamali ako, anong magagawa ko?

"Binigyan ka na ng instruction... Noong araw, oo, may sumigaw na rin sa akin.

"Nagkamali ako, ilang beses nang ni-rehearse, nagkamali ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat maging attentive ka, ito yung trabaho mo, bayad ka rito, e.

"Kahit sa [basketball] player, masigawan ka ng coach, bayad ka, e, may rason kang masigawan.

"Ke maging talent ka, utility ka, cameraman ka, bayad ka rito.

"At oras na hindi mo magawa ang trabaho, may rason para makagalitan ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN