Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to return to the Philippines on January 23

Isang engrandeng salubong at mga aktibidades ang inihahanda ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para sa pagdating ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Pilipinas sa January 23. Isa namang grand tribute para sa ikatlong Miss Universe ng Pilipinas ang gaganapin sa January 28 sa Araneta Coliseum.


Ilang linggo pagkatapos niyang mapanalunan ang Miss Universe 2015 crown, uuwi na ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon si Pia Wurtzbach sa January 23, Sabado.

Pero bago bumalik ng Pilipinas, dadaan muna si Pia sa Indonesia, kung saan may gagawin siyang charity event kaugnay pa rin sa kanyang reign bilang bagong Miss Universe.

Ayon sa ulat ng TV Patrol ngayong Miyerkules ng gabi, January 6, naghahanda na ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ng isang bongga at engrandeng pagsalubong sa ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

January 24, Linggo, nakatakdang humarap si Pia sa local media para sa kanyang grand press conference.

Kinabukasan, Lunes, January 25, isang engrandeng motorcade naman ang ihahanda ng BPCI para sa bagong hirang na Miss Universe.

Isang grandiyosong tribute naman para sa Miss Universe 2015 ang gaganapin sa January 28, Huwebes, sa Araneta Coliseum.

INTERNATIONAL STAR. Sa hiwalay na ulat naman ni Dyan Castillejo para sa TV Patrol, sinabi nitong instant celebrity ang Pinay Miss Universe sa New York sa ngayon.

San man daw ito magpunta, kabi-kabila ang mga nais magpalitrato sa kanya at sinusundan na rin ito ng paparazzi.

Pero kulang daw ngayon sa tulog si Pia dahil sa pangalawang araw nito sa trabaho bilang Miss Universe, alas-5 ng umaga ang call time niya.

Kuwento ni Pia, "Workaholic naman talaga ako.

"Kailangan araw-araw may ginagawa ako kundi parang naaning ako, parang gusto kong tumayo at kumilos.

"Ngayong nakapagsimula na ako, nararamdaman ko na now it's time to go back to work, excited na ako."

Sabi pa ni Pia, paulit-ulit niyang iniiyakan noon ang pagiging Miss Universe sa kanyang mga dasal sa Panginoon.

"Palagi akong nasa Baclaran, halos lumuhod ako dun, 'Universe please.'

"Paulit-ulit, parang nagmamakaawa ako, 'Miss Universe, please, please.'

"Para na akong baliw talaga."

THE LONG WAIT. Ngayon daw, naiintindihan na ni Pia ang kanyang mga dinaanang pagsubok.

Tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas si Pia bago niya nakuha ang titulong Miss Universe Philippines noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman natin siguro sa Pilipinas na hindi naman ako naging kasing-sikat nina Bea Alonzo dati, ganyan, yung mga kasabayan ko.

"Minsan naiisip ko, 'Bakit kaya hindi?'

"Kasi minsan sa tingin ko, naging very diligent naman ako sa training, sa trabaho.

"Although, consistent naman na may trabaho ako, pero hindi ako nag-boom as an actress before.

"Tapos sabi ko, 'Bakit hindi ako nanalo noong unang sali ko? Bakit hindi ako nanalo noong pangalawang sali ko? Bakit kailangang ganito katagal?'

"Nai-connect ko siya na kung hindi nangyari lahat yun, hindi ako mapupunta dito ngayon.

"Hindi ako masasali sa Binibini 2015, hindi ako magiging Miss Universe Philippines, at hindi ako magiging Miss Universe."

ULTIMATE DREAM. Nagpsalamat daw si Pia sa Diyos na ibinigay na sa kanya ang ultimate dream niya.

"Nagpunta ako sa church dito, tapos nag-thank you ako.

"Kasi ayoko kasi yung every time na nagsisimba ka, palagi ka na lang hiling nang hiling, pero hindi ka nagpapasalamat.

"So, ako ngayon, puro pagpapasalamat lang ako."

Pagbubutihan daw niya ang kanyang reign bilang Miss Universe.

Saad ni Pia, "Last request ko na lang siguro is bigyan Niya ako ng strength at wisdom na magtuluy-tuloy ko yung responsibility ko.

"Alam ko namang magkakaroon ng mga challenges, pero bigyan Niya sana ako ng lakas at wisdom to make the right decisions all the time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN