Benjie Paras cool dad to sons Andre and Kobe

Benjie Paras on meeting the current girlfriend of Kobe, "Okey naman, na-meet ko na, simple yung bata, mabait."


Nagkaroon ng pagkakataon na magbakasyon at makasama ni Benjie Paras ang anak na si Kobe nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Dumating daw ito bago ang Kapaskuhan at bumalik na rin sa U.S. pagka-Bagong Taon.

"The following day, January 2, bumalik na rin siya. Halos more than a week. December 23 siya dumating," lahad ni Benjie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na ipalalabas ngayong January 13.

Natatawa naman si Benjie dahil sa pagiging bukas ni Kobe sa love life nito. Girlfriend ng teen basketball sensation ang modelong si Gabrielle Current.

May mga nagko-comment na tila nawasak ang puso niya dahil may ipinakilala nang girlfriend ang anak.

Tanggi ni Benjie, "Alam niyo, hindi lang naman ngayon, kahit dati pa na nagkaroon din siya ng girlfriend, nag-post din siya ng picture.

"Normal lang naman sa isang tao."

E, yung marami ang nalungkot dahil sa ngayon ay "taken" na si Kobe?

"Siyempre, you cannot please everyone, ganun lang naman yun.

"I'm sure naman, itong mga nag-comments, I'm sure they're also having fun."

KOBE'S CHOICE. Kasalukuyang nag-aaral si Kobe sa Amerika at pumirma na sa University of California Los Angeles.

"Masaya, [pero] siyempre malungkot, dahil malayo sa pamilya. Pero ito yung pinili niya.

"Pinili naming pamilya at nag-decide kaming lahat dito at lahat kami, nagtutulungan.

"Graduating siya for high school ngayong year na 'to and he's ready for college na."

Apat na taon sa kolehiyo si Kobe, matagal-tagal bago siya maging professional player sa National Basketball Association (NBA) sa States.

Lahad ni Benjie, "Ay, sa amin, wala pa yun. One step at a time. Mahirap kasi yun.

"As a player, ganun ako, e. One game at a time nga ako."

Pero si Kobe, goal ba niya na makapasok sa NBA?

"Well, ang goal niya is to finish college. Nagulat nga ako.

"Ako, very supportive. Ginu-groom ko siya para ma-deserve niya ang spot niya sa NCAA [National Collegiate Athletic Association].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming magagaling dun at kung isa ka sa nakuha, you have to perform well kasi labing-lima lang kayong maglalaro para sa isang team."


ADVICE. Busy sa pag-aaral at paglalaro ng basketball pero may love life din si Kobe. May mga pinapayo ba si Benjie sa anak?

"Ang sinasabi ko lang, as long as it won't affect your career."

Sabi raw niya sa anak, "'You always remember the reason kung bakit ka nandiyan: unang-una, kinuha ka to play basketball.

"'At hindi ka makakalaro ng basketball if you don't have good grades. So dalawa 'yan.

"'Kailangan mong magkaroon ng high grades for you to perform well.

"'So kung mai-interrupt pareho 'yan, kailangan mong i-give up [ang love life]."

Nakilala na nga raw ni Benjie ang girlfriend ng anak. Sa Instagram profile ni Gabrielle, isa itong Filipino-Swedish-Korean na singer, actress, at nasa stable ng L.A. Models sa U.S.

Ayon kay Benjie, "Okey naman, na-meet ko na, simple yung bata, mabait."


COOL DAD. Wala raw kaso kay Benjie na may girlfriend na nga si Kobe, "Wala, eighteen na 'yan, e."

Pinapayuhan ba niya ito na maging maingat sa kanyang pakikipag-relasyon.

"Of course, lahat naman ng magulang, sinasabi mong mag-ingat."

Kinumusta rin namin kay Benjie ang isa pa niyang anak na si Andre, kung may ipinapakilala na rin ba ito sa kanya.

Sabi naman ni Benjie, "Si Andre? Wala, easy-go-lucky ngayon 'to, nag-eenjoy ngayon."

Idinugtong pa niya, "Marami naman na, marami na kong nakilala kay Andre."

May ipinapakilala na ba ito sa kanya na seryosong girlfriend?

"Wala pa. So sabi ko nga, 'May career ka rin dito.

"'Kung pag-aawayan niyo [ng girlfriend] ang time... kasi ang showbiz, ang makakaintindi lang dito kung may asawa ka na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN