Master Showman German "Kuya Germs" Moreno dies at 82

Nagluluksa ngayon ang local entertainment industry dahil pumanaw na ang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno, na itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensiya at well-loved personalidad sa showbiz.


Sumakabilang-buhay na ang tinaguriang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Si Kuya Germs ay pumanaw nitong Biyernes ng madaling-araw, January 8. Siya ay 82 years old.

Kinumpirma ng pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite ang malungkot na balitang ito, sa pamamagitan ng isang statement na ipinamahagi sa media.

Ayon kay John, pumanaw si Kuya Germs ng 3:20 A.M. ngayong Biyernes dahil sa cardiac arrest.

Nakasaad pa sa statement ang mga sumusunod:

"He passed on in the company of his family and friends.

"He lived a full life, touched so many hearts through the years, and helped make dreams come true for most of the biggest stars in the Philippine entertainment industry.

"We are deeply saddened by his passing but we are comforted by the thought that his legacy will live on."

ONE YEAR AFTER. Matatandaang noong January 2, 2015 ay nagkaroon ng mild stroke ang veteran TV host-actor.

Ilang linggo pagkatapos ng kanyang stroke ay bumalik siya sa paghu-host ng kanyang radio program sa dzBB at sa kanyang late-night weekly show sa GMA Network na Walang Tulugan With The Master Showman.

Ngunit kapansin-pansing hindi na nanumbalik ang maganda niyang pangangatawan at nawala na rin ang kanyang sigla na nakasanayan na ng maraming manonood.

Bagamat nakikita pa rin si Kuya Germs sa showbiz functions ay madalas nang may nakaalalay sa kanya at nagtutulak sa kanya sa wheelchair. Bumagal na rin ang kanyang pagsasalita.

Nito lamang nakaraang Disyembre 1, 2015 ay pinangunahan pa niya ang pagbibigay ng stars sa bagong batch ng celebrities sa Walk of Fame, sa may Eastwood City.

Kabilang sa nabigyan ng stars sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nakisaya rin si Kuya Germs sa New Year countdown ng GMA Network nitong taon sa SM MOA Arena.

Ang nasabing event ang isa sa mga huling public appearance ni Kuya Germs.

Halos linggu-linggo rin ay nanonood siya nang live sa comedy-musical variety show ng GMA Network na Sunday Pinasaya; kagaya na lamang noong January 3, kung saan nagkaroon ng birthday celebration si Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa impormasyon nakalap ng PEP, bandang 7:30 ng umaga ng Huwebes, January 7, ay isinugod si Kuya Germs sa St. Luke's Medical Center, sa Quezon City, pagkatapos niyang ma-cardiac arrest.

Hindi na naka-recover ang veteran TV host at tuluyan nang binawian ng buhay.

MASTER SHOWMAN. Si Kuya Germs ay itinuturing na isa sa mga haligi ng local show business.

Alam na halos ng lahat kung paanong mula sa pagiging isang janitor sa Clover Theater noon ay naging isang sikat na komedyante sa bakuran ng Sampaguita Pictures, TV host, at star builder si Kuya Germs.

Mula noong late '70s hanggang laste '90s ay si Kuya Germs ang hari ng Sunday noontime block sa pamamagitan ng kanyang musical-variety shows sa GMA Network na Germside, Germspesyal, at GMA Supershow.

Itinuturing din siyang star builder dahil napakaraming mga artista ang nagsimula at sumikat sa kanyang mga programa sa GMA; mula GMA Supershow, That's Entertainment, hanggang sa Master Showman.

Kilala rin siya bilang isa sa pinakamalapit na tao sa Superstar na si Nora Aunor.

Hindi rin matatawaran ang kanyang loyalty dahil halos apat na dekada siyang nagserbisyo sa bakuran ng Kapuso network.

Nakikiramay ang lahat ng bumubuo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naiwan ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN