Bianca Umali, Miguel Tanfelix learn the value of professionalism from Kuya Germs

"Gusto ni Kuya Germs professional ka talaga on the set at kung paano ka makikitungo sa mga artista," Miguel Tanfelix (with Bianca Umali) said about the most important lesson he learned about showbiz from the late Master Showman Kuya Germs.


Katulad ng karamihan ng celebrities, nagulat din ang loveteam couple na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa balitang pumanaw na si German 'Kuya Germs' Moreno.

Kaninang madaling-araw ay malungkot na ibinalita ni John Nite ang tungkol sa pagpanaw kanyang tiyuhin.

John Nite announces the demise of his uncle German "Kuya Germs...

Narito ang video ng pag-anunsiyo ng TV host na si John Nite tungkol sa pagpanaw ng kaniyang tiyuhin, ang nag-iisang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Posted by GMA News on Thursday, January 7, 2016

Ayon kina Bianca at Miguel, huli nilang nakasama ang tinaguriang "Master Showman" sa New Year Countdown event ng GMA Network sa Mall of Asia noong December 31.

"Happy po ako kasi in a way nagkaroon kami ng chance na makasama for the last time si Kuya Germs sa pagsalubong pa ng bagong taon," sabi ni Bianca.

Kaya raw nagulat ang dalawa nang marinig nila ang balita.

Sabi pa ni Miguel, "'Di ba, naglalakad na si Kuya Germs, lumalabas na siya. Kanina, parang, 'Totoo ba 'to?'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Miguel at Bianca sa press conference ng bago nilang teleserye, ang Wish I May, kaninang tanghali, January 8.

LESSON ABOUT SHOWBIZ. Kilala si Kuya Germs na mahilig magbigay ng paalala at payo sa mga artista, lalo na sa mga baguhan, tungkol sa industriya ng showbiz.

At mapalad daw sina Miguel at Bianca na isa sila sa mga artistang nakasama ni Kuya Germs sa trabaho sa pamamagitan ng ilang workshops at sa teleseryeng NiƱo noong 2014.

Sa mga pagkakataon daw na ito, madalas na ipinapaalala ng yumaong beteranong aktor ang pagiging propesyunal sa trabaho.

"Gusto ni Kuya Germs professional ka talaga on the set at kung paano ka makikitungo sa mga artista.

"Kasi, alam na niya po ang pasikut-sikot sa industriyang ito kaya marami ka po talagang matutunan kay Tatay Germs," sabi ni Miguel.

Dagdag naman ni Bianca, "At saka maging maintindihin ka sa lahat ng tao.

"Kasi, kapag nakikita mo si Kuya Germs, lagi siyang nakikihalubilo, e.

"Kumbaga, napakabait niya, very approachable."

Binigyang-pansin din ni Miguel ang walang-sawang pagtulong ni Kuya Germs sa mga nais maging parte ng show business.

"At saka generous si Kuya Germs," ani Miguel.

"Nakita niyo naman po nagtayo siya ng Master Showman Walang Tulugan para po sa mga nangangarap din pong maging artista."

Ang
Walang Tulugan with Master Showman ay late night weekly show sa GMA kung saan mga baguhang artista ang kadalasang may production numbers.

Ito ay kahalintulad ng youth-oriented talent show niya noong dekada '80, ang
That's Entertainment.

Dahil sa mga pagkakataong nakasama si Kuya Germs, sabi ni Miguel, "Nagpapasalamat kami kay Kuya Germs kasi sine-share niya sa amin yung mga lessons na natutunan niya dahil matagal na talaga siya sa industriyang ito.

"Naramdaman namin ang pagiging tatay niya talaga kaya 'Maraming salamat po.'"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN