Pauleen Luna gets first bridal shower

Pauleen Luna had a bridal shower with her very close friends this Saturday, January 9.


Idinaos ang unang bridal shower para kay Pauleen Luna ngayong Sabado, January 9, sa Cafe Lima sa San Juan, kasama ang ilang piling kaibigan na kinabibilangan ng ilang taga-showbiz at non-showbiz friends ng Eat Bulaga host.

Kabilang sa showbiz friends ni Pauleen na nasa kanyang bridal shower ay sina Sherilyn Reyes, Ruby Rodriguez, Camille Prats, at Yayo Aguila.

Ayon naman sa Facebook post ng non-showbiz friend ni Pauleen na si Franchesca Que, "first bridal shower" ito ng soon-to-be Mrs. Vic Sotto.

Si Sherilyn ang siyang nag-organize ng bridal shower ni Pauleen.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Pauleen sa mga kaibigan niyang nakibahagi sa espesyal na okasyon na ito.

"To all my friends, thank you for making this day SO awesome!

"You made me so happy!"

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Sherilyn, "for fixing EVERYTHING! From the venue to the food, the little things, the give aways and the calligraphy class!

"I don't know how to thank you enough!

"Thank you Lord for giving me awesome friends! I am beyond grateful!"

Ginamit din ni Pauleen ang hashtag na #AlmostMrsSotto

Nakatakdang ganapin ang kasal nina Vic at Pauleen sa katapusan ng January.

The whole group! I love you all! ??? #AlmostMrsSotto

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN