Sancho delas Alas learns to be more discreet in dealing with mom Ai-Ai's bashers

Sancho delas Alas (shown with mom Ai-Ai) learned to curb his emotions when dealing with his mom's bashers: "Kasi po kapag nadadala kasi ng emosyon, you tend to say bad things na minsan hindi naman talaga siya galing sa loob ko."

 


Masama ang loob ng anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho sa bashers ng ina at ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Pinahayag ni Sancho ang saloobin sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon ng GMA afternoon series na Wish I May sa GMA Network Center noong Biyernes, January 8.

Saad ni Sancho, "Kumbaga, lalo na ngayon, ang tao po grabe nang magsalita tungkol sa mga artista.

"Kumbaga, may isang mali lang na masabi, nagtutuluy-tuloy.

"So ako parang, well, si Mama kasi malakas naman po ang loob ni Mama, e.

"Kumbaga, sa bashers, wala na sa kanya yun.

"Pero ako po, bilang anak, tsaka siyempre, nakikita ko, e.

"I feel bad about it. Kasi yun nga, parang hindi niyo naman kilala yung dalawa and hindi niyo naman alam kung ano ang pinagdaanan ni Mama from her past relationships.

"So parang, sana intindihin niyo na lang.

"Kasi wala naman silang ginagawang masama, e.

"Wala rin naman silang inaapakang ibang tao. Wala din naman silang nilalabag na batas.

"Wala namang masama sa pagmamahalan nilang dalawa.

"So sana ano, konting ano na lang, konting understanding."

Pumapatol pa ba si Sancho sa mga bashers ni Ai-Ai?

"Pag may time po ako," at tumawa si Sancho.

Dati-rati ay sinasagot ni Sancho ang mga bashers na ito.

CURBING NEGATIVITY. Ngayon daw ay hindi na masyadong pumapatol si Sancho sa mga ito.

Rason niya, "Kasi po kapag nadadala kasi ng emosyon, you tend to say bad things na minsan hindi naman talaga siya galing sa loob ko.

"Kumbaga, parang galit lang ako kaya ko siya nasabi.

"E, minsan si Mama nagagalit din, na, 'Nak, huwag mo nang patulan kasi ikaw na mismo yung nakakaalam kung ano naman yung totoo tsaka hindi, e.'

"Kumbaga, ako naman, sabi ko sa kanya, 'Ma, ipinagtatanggol lang naman kita, e, kasi yun na nga e, alam ko yung totoo tsaka hindi.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So kumbaga, nagre-reply lang ako dun sa mga taong sobra yung sinasabi.

"Kasi merong iba okay naman, e.

"Natatawanan ko pa nga, e. Pero may iba na parang masyado nang personal yung sinasabi nila.

"Hindi ko na siya ma-contain sa sarili ko na, 'Teka lang, hindi ito yung alam ko, e.'

"So nagre-reply ako. Ine-explain ko sa kanya kung ano yung alam ko tsaka kung ano yung dapat niyang malaman.

"Para din hindi din niya ganun pagsalitaan si Mama."

OPEN TO POSSIBILITY OF MOM GETTING MARRIED AGAIN. Paano magre-react si Sancho sakaling sabihin sa kanya ng Mama niya at ni Gerald na magpapakasal na sila?

Mabilis na sagot ni Sancho, "If ever po na ikasal sila, okay lang! Okay lang.

"Kumbaga, kasi nakita ko naman po si Gerald na very maalaga kay Mama. Saka kumbaga, kahit papaano, gina-guide naman ni Gerald si Mama sa decision making, e, kung ano ba'ng okay, kung ano yung hindi.

"Tsaka nakikita ko, masayang-masaya si Mama and wala pong problema at all."

Si Sancho ba ang maghahatid kay Ai-Ai sa altar kung saka-sakali?

"Opo!" pagkumpirma niya.

Paano kung hindi maging successful ang relationship ng dalawa?

Sagot ni Sancho, "Kung hindi po maging successful yung relationship nila, the only thing na nakikita kong puwedeng gawin po is to move on.

"As long as hindi ko rin naman po kasi nakikita na sasaktan niya si Mama.

"Hindi ko nakikitang kaya niyang saktan si Mama.

"So kung hindi man sila mag-work out, ganun po talaga ang buhay. The only thing that we could do is move on.

"Kumbaga, kami, susuportahan na lang po namin si Mama."

Sa ngayon, nakikita ni Sancho na maligaya at nagmamahalan ang dalawa.

"Very, very much. Sobra po!" diin niya.

DOUBLE WEDDING? May chance ba na mag-double wedding sila Ai At at Gerald, at sina Sancho at ang girlfriend niyang si Shanna Retuya, isang model?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Sancho, "Actually, nakakatawa po. Kasi recently, napag-usapan po namin, kaming apat, lagi daw po kaming kasama sa kung anong plano nilang dalawa and parehas din po sa amin.

"Kumbaga, kasama rin po silang dalawa sa kung anong plano namin ni Shanna.

So may chance ang double wedding?

Saad ni Sancho, "Baka po, baka po!

"Cute po yun, cute po yun! Saka medyo iba po yun."

So hihintayin nina Sancho at Shanna sina Ai-Ai at Gerald bago magpakasal?

"Puwede, opo," tugon ni Sancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN