Erich Gonzales denies living together with boyfriend Daniel Matsunaga

While Erich Gonzales evades the question on what makes her relationship with Daniel Matsunaga different from her previous relationships, Daniel answers, "She is special."


Kinumpirma ng magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na nagprisinta na si Kris Aquino na maging ninang kung sakaling ikasal na sila.

Matatandaang sa morning show ni Kris na Kris TV nagkakilala at naging magkaibigan sina Daniel at Erich na kalaunan ay nauwi sa totohanang relasyon.

Pero paglilinaw ng showbiz couple, wala pang petsa kung kailan sila magpapakasal.

"Wala pa po kaming idea, kami mismo," sabi ni Erich sa presscon ng Be My Lady, ang morning teleserye nila ni Daniel sa ABS-CBN na magsisimula sa January 18.

Dagdag pa ng aktres, "But if ever that time comes, we'll let you know. That's something we don't want to hide naman."

Ginanap ang presscon ng Be My Lady ngayong Lunes, January 11.

Hindi man nagbigay ng specific date, sinabi ni Daniel na ngayong 2016 ang first anniversary ng relasyon nila ni Erich.

Nilinaw naman ni Erich na hindi pa sila nagli-live in ni Daniel.

Sabi ng Kapamilya actress, "May kanya-kanya po kaming bahay.

"Nagkataon lang na ang ipinapatayo niya pong bahay ngayon, malapit [sa bahay ko]. Neighbors... mga ten minutes [away].

"Pero like what I said, we wanna do it right.

"Siyempre, di ba, and we wanna honor God."

Bukod sa halos magkahalintulad na kultura ni Erich at ng kanyang Brazilian-Japanese boyfriend, sinabi pa ng aktres na, "We have the same faith. That's why nagwo-work ang relationship na ito. We keep God in the center and nothing can go wrong."

Samantala, umiwas naman ang aktres nang tanungin ng PEP kung paano naging iba ang relasyon nila ni Daniel kumpara sa mga nakaraan nilang relasyon.

Tanong ng PEP sa dalawa: You've had previous relationships before, what makes this one different?

Paiwas na sagot ni Erich, "Okay na po. Thank you so much, Happy New Year!" na sa puntong iyon ay pinuputol na niya ang interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kahit hinihila na siya ni Erich, sinagot pa rin ni Daniel ang tanong: "She's special. She is special."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN