Former Kapwa Ko, Mahal Ko host Cielito 'Mahal' del Mundo dies at 80

Pumanaw na ang dating Kapwa Ko, Mahal Ko host na si Cielito del Mundo (kanan, kasama ang co-host niya na si Orly Mercado). Siya ay 80 years old.


Isa na namang haligi ng local entertainment industry ang pumanaw.

Ito ay si Cielito "Mahal" del Mundo, na sumakabilang-buhay noong Sabado, January 9, sa Phoenix, Arizona. Siya ay 80 years old.

Si Cielito ay nakilala bilang isa sa mga anchor ng longest-running public affairs program ng GMA Network na Kapwa Ko, Mahal Ko.

Kinumpirma ng pamangkin at tagapagsalita ng pamilya na si Marites Martinez-Guevarra ang pagkamatay ng TV host-actress sa panayam ng dzBB ngayong Lunes, January 11.

Ayon kay Marites, apat na araw namalagi sa ospital sa Phoenix si Cielito pagkatapos atakihin sa puso hanggang sa tuluyan na siyang namaalam.

Nagpadala rin ng text message sa GMA News ang anak ni Cielito na si Maria Nueno: "At 7:40 A.M., US Phoenix time, my mother Cielito 'Mahal'del Mundo passed away. Thank you everyone who offered their prayers."

Ayon sa mga kaanak ni Cielito, mananatili sa Amerika ang mga labi ng Kapwa Ko, Mahal Ko host.

Maliban sa pagiging host ng isang public affairs program, isa ring aktres si Cielito.

Kabilang sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang mga sumusunod: Langit Pa Rin Kita (1967), Basta Bisaya (1970), at Mga Ibong Pipit (1984).

Ang Kapwa Ko, Mahal Ko ay nagsimulang umere noong 1975 at patuloy pa ring napapanood sa Kapuso network hanggang ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN