Sharon Cuneta deeply in pain for missing last phone call of Kuya Germs

Labis na ikinalungkot ni Sharon Cuneta na hindi niya nasagot ang tawag ni Kuya Germs noong kanyang kaarawan last January 6. Ito na sana ang magiging huli nilang pag-uusap ng Master Showman. Nagkataon din kasing nagluluksa sila sa pagpanaw ng kanyang biyenan at sa pagbabang-luksa sa pagpanaw naman ng ina ng Megastar na si Elaine Cuneta noong nakaraang taon.

 


Sobrang emosyunal ang Megastar na si Sharon Cuneta nang dumalaw siya sa burol ni Master Showman German "Kuya Germs" Moreno kagabi, January 11.

Malaki raw ang utang na loob niya kay Kuya Germs dahil sa tulong nito noong nagsimula pa lang siya sa showbiz.

Naikuwento na ni Sharon noon na bago pa man siya makilala sa telebisyon, una siyang nagtanghal sa radio shows at si Kuya Germs ang tumulong sa kanya.

Ang Master Showman din ang naging tulay upang makapasok siya sa mundo ng pelikula.

Humahagulhol na kuwento ni Sharon sa 24 Oras ng GMA, "Sobrang sakit-sakit kasi sa akin kasi hindi na ako gumagamit ng telepono ko, e, so tumawag siya sa manager ko dahil gusto niya akong batiin noong birthday ko.

"And birthday ko nga, wala namang naganap, dumaan lang yung tatlo kong pinsan na Sotto.

"Tapos ano, nagluluksa pa kasi nakaburol pa si Daddy [Kiko Pangilinan's father].

"Hindi ko na siya natawagan dahil late ko na nalaman, tapos sabi ko, 'Tulog na.' Tapos iiwan din pala niya ako.

Aminado si Sharon na nagpatung-patong ang sakit na nararamdaman niya dahil sa sunud-sunod na dagok sa kanilang pamilya.

"Drained na drained na ako physically at emotionally and mentally kasi siyempre mahal ko yung tao.

"Kabababang-luksa ko lang din sa mommy ko na namatay naman last year, kaya laking gulat ko na si Tatay Germs naman ngayon.

"Talagang pagod na pagod na ako sa kakaiyak dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay."

50 YEARS IN SHOWBIZ. Hiling naman ng Megastar na alalahanin ng lahat ang mga naging tulong ni Kuya Germs hindi lamang sa mga artista kundi maging sa bawat pamilyang kinabibilangan niya.

"Sa bawat isang bata na tinulungan niya na magkaroon ng konting trabaho na matupad kapiraso lang ng kanilang pangarap na maging artista, siguro nakakatulong siya dun sa pamilya kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hindi lang dapat bilangin kung ilang artista ang natulungan niya kundi lahat ng kasama ng bawat taong yun.

"So, kung bibilangin mo, hindi mo talaga mabibilang dahil libu-libo na siguro kung ang natulungan ni Kuya Germs in all his 50 years in showbiz."

Sa huli, sinabi ng Megastar na, "Mami-miss ko si Tatay."

Sa Instagram naman, tanging "I Love You" ang mensaheng nais ipaabot ng Megastar kay Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN