Priscilla Estrada on Janice de Belen: "She's really genuine and nice."

Priscilla Estrada is facing the camera for the first time in the new ABS-CBN teleserye Be My Lady, and getting help from her co-star Janice de Belen, ex-wife of her husband, John Estrada. "There was  one time na she even fixed my clothes," she relates.


Masaya si Priscilla Estrada na hindi hinadlangan ng kanyang asawang si John Estrada na makatrabaho ang dating misis ng aktor na si Janice de Belen sa bagong morning teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady.

Lahad ng Brazilian beauty queen, "Actually, the first time na sinabi nila tungkol sa project, hindi nila na-mention na makaka-work ko si Ms. Janice.

"Hindi ko alam na she'll be part of the cast, pero later on, they mentioned it.

"And they asked me if okey sa akin. And sabi ko, 'Walang problema na makatrabaho si Ms. Janice. Kung okey sa kanya, di okey.' Kasi Ms. Janice siya, di ba?

"After that, they told me na walang problema din sa kanya.

"Then, I already told him [John] na okey ako.

"And sabi niya, 'Kung comfortable ka, walang problema.' Yun lang.

"And sinabi niya, 'Dapat marami kang matutunan diyan dahil magaling talaga si Janice.'"

Madali naman daw napapayag ang award-winning actor dahil magkaibigan na sila ng ex-wife niya.

Sabi pa ni Priscilla, "Yeah, they are in a very good place.

"Right now, they've been talking over as friends, and dahil sa mga anak nila, sa future nila, yung mga ganun.

"And, I think, they're both happy. So, you know, when people are happy, things flow smoothly."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Miss Earth 2004 sa Restaurant 9015 sa ELJ Building ng ABS CBN nitong Lunes, January 11.

ON THE SET. Kumusta naman ang unang pagtatagpo nila ni Janice sa set?

Ayon kay Priscilla, "Well, of course, sa una ay natitensiyon ako hindi lamang dahil si Janice nandiyan, kundi sa buong scenario.

"Kabagu-bago ko lang, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ko.

"Kung paano ako papasok, kung ano na kamera ang titingnan ko, kasi kabagu-bago ko pa diyan.

"So, she [Janice] was very kind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And there was one time na she even fixed my clothes.

"Like, you know, she's really genuine and nice.

"So, I'm just happy we are given this opportunity to work together.

"I think that she knows na my special feelings are genuine.

"Yung mga anak nila, I really love with all my heart."

Maayos nga raw ang samahan nila ng mga anak ni John kay Janice na sina Ina, Kyla, Moira, at Yuan.

Saad ni Priscilla, "I do have a relationship with their kids.

"And, of course, it's awkward na magkaroon kami ng relationship [ni Janice] dahil sa history nila, di ba?

"But, I think, as much as possible, you know, we can be civil.

"I wish her all the best, and I hope she knows that."

BEING CLOSE. Samantala, magsisimula na sa Lunes, January 18, ang Be My Lady sa Kapamilya network.

Posible bang maging close sila ni Janice lalo na't maraming eksena na magkakasama silang dalawa?

Sagot ni Priscilla, "Kasi, paano 'yan, yung mga kaibigan kausap ng kahit anong subjects, di ba?

"So, paano 'yan, yung maging friends kami... it's not that I don't like her.

"On the contrary, I admire her and I think she's a great mom, I hear good things about the kids.

"And I know kung paano siya masipag, kung gaano maganda yung upbringing ng mga anak nila.

"So, of course, they have two parents."

ON HER OWN. Sa pagpapalaki naman sa kanilang anak ni John na si Sammanta Anechka, wala pa raw chance na makapag-usap sila ni Janice at makahingi ng tips tungkol dito.

Sabi ni Priscilla, na matatas nang mag-Tagalog, "Gusto kong ma-experience for the first time, on my own.

"Kahit sa nanay ko, hindi ako yung... I'm a very observant person.

"Hindi ako masyadong nagtatanong tungkol sa buhay.

"I think I have the ability to get what I think is best of what they can offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga na-observe ko na gusto ko sa ibang tao, kopya na lang ako.

"I learned from the experience they go through."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN