My Bebe Love reps no-show in Congress probe on alleged MMFF ticket swapping

MMFF Executive Committee member Dominic Du on alleged ticket swapping incident: "Theater told me they had it investigated and there's no such thing."


Walang dumalong kinatawan mula sa kampo ng My Bebe Love at Beauty and The Bestie sa unang pagdinig sa Kongreso kaugnay ng mga diumano'y iregularidad na naganap sa nakaraang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pinamunuan ito ni Quezon City Second District Winston "Winnie" Castelo, na siyang Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, noong Lunes ng hapon, January 11.

Sa preliminary remarks ni Castelo, inihayag niyang kabilang sa agenda ng Congressional hearing ang "serious allegation of ticket swapping" sa sangkot na MMFF entries.

Paliwanag ni Castelo tungkol dito, "This is the practice wherein the audience intended to buy a certain ticket; however, when he saw the ticket, the ticket contained a different film.

"I think the complaint emanated from the producers of My Bebe Love. So, we will discuss that later."

ALLEGED TICKET SWAPPING INCIDENT. Matatandaang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa diumano'y ticket swapping na naganap sa ilang SM Cinemas sa pagbubukas ng MMFF noong December 25.

Dito ay nabanggit na inireklamo ng ilang tagasuporta ng My Bebe Love na mali ang naka-print sa binili nilang tickets sa sinehan.

Sa halip na titulo ng My Bebe Love ay titulo ng Beauty and The Bestie ang nakaimprenta sa biniling ticket ng mga manonood ng unang nabanggit na pelikula.

Base sa nakalap na dokumento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakatala sa agenda ng Kongreso na kabilang sa inimbitahang resource persons ang producer ng My Bebe Love na si Antonio "Tony" Tuviera at co-producer/lead star na si Marvic "Vic" Sotto.

Imbitado rin sa kampo ng Beauty and The Bestie ang producer ng Viva Films na si Vic del Rosario at managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.

NO FORMAL COMPLAINT? Ngunit kahit no-show ang kinatawan ng My Bebe Love, tinanong pa rin ni Castelo ang pamunuan ng MMFF kung paano nito nirespondehan ang isyu hinggil sa diumano'y ticket swapping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa hiwalay na ulat ni Tina Panganiban Perez ng GMA News, inihayag ng MMFF Executive Committee (ExeCom) na nakatanggap sila ng reklamo mula sa My Bebe Love producers hinggil sa diumano'y ticket swapping noong December 25.

Agad umanong inimbestigahan ng ExeCom ang naturang insidente sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa sangkot na sinehan.

Ngunit pinabulaanan diumano ng naturang sinehan ang alegasyon kaugnay ng sinasabing ticket swapping sa pagitan ng My Bebe Love at Beauty and The Bestie.

Hindi lubusang naimbestigahan ng Kongreso ang kaso dahil sa walang kinatawan mula sa My Bebe Love.

Gayunman, nananatili umanong bukas ang Kongreso sakaling mayroong maghain ng pormal na reklamo hinggil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN