Bong Revilla, Jinggoy Estrada not allowed by Sandiganbayan to attend Kuya Germs's wake

Senators Bong Revilla (left) and Jinggoy Estrada (right) requested to attend the wake of German Moreno (center). However, the Sandiganbayan denied their furlough requests saying that it's not a "special circumstance."


Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng detained senators na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada na bumisita sa burol ng pumanaw na Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno sa Mt. Carmel Church sa Quezon City.

Namatay ang kinikilalang ama-amahan sa showbiz ng maraming artista noong Biyernes ng madaling-araw, January 8, sa edad na 82.

Ayon sa ulat ng GMA News, hindi pinayagan ng First Division ang hiling ni Senator Revilla na pansamantalang makalabas sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil hindi ito maituturing na "special circumstance."

"After weighing the arguments of the parties, the Court is of the view that the situation presented by the accused could not be considered a special circumstance that deserves exception to the general restriction on a detention prisoner's rights. Thus the motion is denied,"ayon sa resolution na inilabas ng First Division ngayong Martes, January 12.

Bukod sa hindi naman daw ito "matter of emergency," sinabi rin ng First Division na maaaring magdulot pa ng "security risk" ang pagbisita ng senador dahil maraming taong pupunta sa Mt. Carmel Church.

Simula noong Sabado, January 9, bukas sa publiko ang burol ni Kuya Germs.

Hiniling ni Sen. Revilla noong Biyernes, January 8, na makalabas siya sa detention center ng limang oras, o mula 3 P.M. hanggang 8 P.M. ngayong January 12 o 13, para makita sa huling pagkakataon ang mga labi ng tinaguriang Master Showman.

Si Kuya Germs ay isa sa mga naging ninong sa kasal nina Bong at Cavite Rep. Lani Mercado.

JINGGOY'S REQUEST DENIED, TOO. Katulad ni Revilla, humiling din si Estrada na pansamantalang makalabas sa Camp Crame upang masilayan ang mga labi ni Kuya Germs.

Subalit katulad ng desisyon ng First Division, tumanggi rin ang Fifth Division na pagbigyan si Estrada.

Ayon sa resolution na inilabas ng Fifth Division, hindi sapat ang dahilan ni Estrada para pansamantalang makalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Accused-movant, being a detention prisoner, cannot be accorded the full enjoyment of his civil or political rights as a necessary consequence of his detention," nakasaad sa resolution ng Fifth Division.

Hindi rin daw ito magandang ehemplo sa iba pang mga nakakulong.

"Suffice it to state that to allow the accused-movant to leave his detention cell, especially at this time when the Court already denied his petition for bail, will not only set a bad precedent but will likewise be regarded as a mockery of the administration of justice."

Sina Revilla at Estrada ay parehong nahaharap sa plunder at graft charges kaugnay ng pagkakadawit nila sa pork barrel scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN