Vhong Navarro, Carla Abellana, Maine Mendoza attend 5th night of Kuya Germs's wake

Sa ikalimang gabi ng lamay ni Kuya Germs nitong gabi ng Martes, January 12, dumagsa ang mga kasamahan niya noon sa Sampaguita Pictures. Hindi rin tumigil ang pagdating ng iba pang mga sikat na artista na naging bahagi ng buhay ng Master Showman; katulad na lamang nina Vhong Navarro (kaliwa), Maine Mendoza (kanan), at Carla Abellana.


Dagsa pa rin ang maraming showbiz personalities sa ikalimang gabi ng lamay ng nag-iisang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno nitong Martes, January 12, sa Mt. Carmel Chapel, Quezon City.

Sponsored ng kapwa Sampaguita stars ni Kuya Germs at ang grupo nilang Stars of 66 ang misang isinagawa kagabi, kaya naman maraming mga beteranong aktor at aktres ang nasa lamay.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang masasayang alaala kasama si Kuya Germs sina Gloria Romero, Boots Anson-Rodrigo, Romeo Vasquez, Daisy Romualdez, Boy Alano, at ilang mga direktor na naging kaibigan at katrabaho ng Master Showman.

Puro masasayang alaala ang naibahagi nila at kung paano tumulong at umagapay si Kuya Germs sa mga baguhang artista na kasabayan niya.

Dumating din ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr. na inalala rin ang naging samahan nila noon ng Master Showman.

Kasama ni Senator Revilla ang manugang na si Congresswoman Lani Mercado, na malungkot naman dahil hindi pinayagan ng Sandiganbayan na makadalaw sa burol ni Kuya Germs ang naka-detain na asawang si Senator Bong Revilla Jr.

Iaapela raw nila ngayong araw, January 13, ang desisyong ito ng Sandiganbayan at umaasa silang mapayagan pa rin si Bong na makalabas sandali.

VHONG, MAINE, CARLA. Ilan naman sa mga dumating na artistang kabilang sa bagong henerasyon sina Vhong Navarro, Carla Abellana, at Maine Mendoza.

Ayon kay Vhong, malaki ang utang na loob nila, lalo na ang kanilang dance group na Streetboys, dahil isa si Kuya Germs na nagtaguyod upang magkaroon sila ng maraming guest appearances noong nagsisimula pa lang sila.

Kuwento ng It's Showtime host, "Malaki po ang naitulong ni Kuya Germs sa career po ng Streetboys since nung time na nagsisimula kami.

"Si Kuya Germs po yung nagpapa-guest sa amin para makapag-perform ang Streetboys sa mga shows niya, kagaya nung GMA Supershow, That's Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ang maganda pa nun, every time na mag-guest kami, binibigyan niya kami ng additional pa dun sa TF [talent fee] namin na P500.

"Kaya gustung-gusto naming mag-guest sa kanya kasi meron kaming instant cash.

"Kasi that time, ang P500, ang laki-laking halaga na yun para sa aming mga dancers yun.

"Kaya si Kuya Germs talaga yung hindi malilimutan ng mga nangangarap at nag-artista."

Ayon naman kay Carla, yung mga paalala ni Kuya Germs ang hindi niya makakalimutan.

"Yung mga paalala lang niya na saktung-sakto ng mga paalala ng lola ko [Delia Razon].

"Lagi ko siyang naalala kasi parang naging lolo ko siya sa GMA, parang ganun si Kuya Germs," kuwento ng Because of You star.

Hindi naman nakapagbigay ng panayam si Maine dahil may mangilan-ngilang nagsilapitan dito upang magpalitrato kahit nasa harap ito ng kabaong ng namayapang si Kuya Germs.

A GREAT LOSS. Ayon pa kina Vhong at Carla, isang malaking kawalan sa showbiz industry si Kuya Germs.

Saad ni Vhong, "Kasi si Kuya Germs, hindi mo kailangang bayaran para sumikat ka, e.

"Yung siya yung nagbibigay ng... kumbaga, kung gusto mong mangarap, lumapit ka sa kanya, siya yung tutulong sa iyo.

"Kusang loob yun na hindi mo na siya kailangang bayaran para gawin niya yun."

Ayon naman sa Kapuso actress, "Malaki, parang isang malaking chunk ng showbiz industry ang nawala talaga.

"Pero ang maganda nun, maganda naman yung naiwan niya.

"So, hinding-hindi makakalimutan ng mga tao si Kuya Germs, hindi makakalimutan ng mga tao yung mga bilin niya.

"So, kahit wala na siya, yung mga habilin niya, nandito, maiiwan yun forever at hinding-hindi namin makakalimutan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN