Pia Wurtzbach manager Jonas Gaffud softens on Miss Colombia: "Ibigay na rin sa kanya kasi siya ang napahiya."

Never in his wildest dreams did Jonas Gaffud think that he'd be the person who will discover and guide the next Miss Universe. He told PEP, "No naman, hindi ko naman naisip na one day magiging ganyan ako. Gusto ko lang, interesado lang ako."


Si Jonas Gaffud ang manager ni Pia Wurtzbach, ang bagong tanghal na Miss Universe.

Sa loob ng apatnapu't dalawang taon, ngayon na lang muli nasungkit ng Pilipinas ang minimithing korona.

Kaya ganun na lang daw ang kaligayahan ni Jonas nang manalo si Pia, lalo't bata pa lamang daw ito ay mahilig na siya sa mga beauty pageants.

"Siyempre masaya, parang ito yung dream ng mga Pinoy, lahat ng pageant fans.

"Kapag sinasabing Miss Universe, every year ginagawa, parang walang nangyayari.

"Lumaki akong ganun na wala namang nananalo ever since noong bata pa ko.

"So noong nangyari na yun e di happy," masayang pahayag ni Jonas nang makausap namin sa bakuran ng ABS-CBN noong nakaraang Huwebes, January 7.

Nanggaling daw siya sa isang meeting.

TRY AND TRY. Tatlong beses sumali si Pia sa Binibining Pilipinas at sa tatlong beses na yun, si Jonas ang mentor niya.

Hindi siya nawalan ng pag-asa, at hinayaan daw talaga niya si Pia na paulit-ulit na sumali.

"Ako ang naka-scout sa kanya. Naniniwala ako sa mukha niya.

"Number one, pangarap niya yun, nag-jibe ang utak namin.

"E, di tuloy, dapat tuloy lang," paliwanag ni Jonas

Napatunayan nga raw nila ang hatak ng mantra na, "Try and try until you succeed."

Aniya, "You don't give up with people na may mga pangarap sa buhay.

"Kasi yung last year na pagsali na niya, sabi ko sa kanya, 'Ako lang ang papakinggan mo, wala ng iba pa, ako lang.'

"Pumayag naman siya, pero siyempre si Pia, noong una, nahihiya rin siya.

"Paano kung matalo ulit e di nakakahiya?

"Pero siya rin naman ang nagpu-push sa sarili niya, ako ang nag-push nang unang beses.

"Pero sa pangalawa at pangatlo, siya na ang nag-push sa sarili niya.

"Parang sabi lang niya, 'Mama J, join ulit ako.'

"Ako naman, 'Okay, go!'"

Maganda ang tandem nilang dalawa at natatawang sabi nga ni Jonas, "Bilib yun sa akin, bilib na bilib yun sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung last training namin, naka-heels ulit ako, tinuturuan ko kung paano maglakad.

"Ang sabi niya, 'Ang galing talagang maglakad ni Mama J.'"

LOYAL PIA. Hindi raw umalis si Pia sa pangangalaga n Jonas simula nang sumali ito sa mga beauty contests.

"It pays to be loyal, kasi parang alam ko na ang buhay niya.

"Alam ko na ang weaknesses niya, alam ko na ang strengths niya.

"Alam ko kung paano siya i-improve kasi alam ko ang weaknesses and strengths niya."

Sa isang video na kumalat, nakitang tumakbo si Pia sa backstage pagkatapos ng pageant at niyakap si Jonas.

"Ang higpit ng Miss Universe [management] e siya yung tumakbo sa amin. Pinayagan siya for a while.

"Very grateful naman siya."

Saka nagkuwento pa ito ng kalagayan ni Pia bago pa man sumali ito sa Binibining Pilipinas last year.

"Well, hindi niya alam ang gagawin sa buhay niya noon, e.

"Wala na siyang alam na gagawin sa buhay niya, she was lost. Hindi masyadong nag-a-up ang career.

"Noong sinabihan ko siya, doon siya nagkaroon ng pag-asa kung ano ang gagawin sa buhay niya."

Noong manalo na nga si Pia at nagkausap na sila, kumusta?

"More on tawa lang kami nang tawa, mga kabaliwan namin sa buhay.

"Everyday kaming magkausap, kahit kagabi, magka-usap kami."

GUT FEEL. Noong nasa Las Vegas sila habang nagaganap ang competition, naramdaman na raw ni Jonas na malaki ang laban ni Pia.

"Yung mukha niya, maganda ang mukha niya.

"Siya yung puwedeng cover girl ng mga fashion shoots ng mga magazine.

"Internationally appealing ang mukha niya."

Ano ang naramdaman ni Jonas nang i-announce ng host na si Steve Harvey na si Miss Colombia ang Miss Universe?

"Actually noong una nga, inisip ko na tatawagin na naman siyang first runner-up.

"Feeling ko, mauulit ulit yung kay Janine [Tugonon], parang ni-ready ko na sarili ko.

"Pero, siyempre, na-disappoint pa rin ako, sinisigaw ko Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa loob-loob ko, inisip ko, puwedeng mabaligtad.

"Habang naglalakad ako sa stadium, inisip ko, sana mabaligtad? Pinagdasal ko dati kay Janine yun, hindi nangyari.

"Imagine mo, magkamali ang Miss Universe?on Pia"

Pinanghihinayangan ng ilang Pinoy na hindi raw naranasan ni Pia ang victory walk dahil nga sa kaguluhan sa stage.

Pero sabi naman ni Jonas, "Wala yun sa akin, dedma na 'ko run.

"Mas sikat siya kesa ano, mas sikat siya kesa sa walk na 'yan."

Ano naman ang masasabi niya kay Steve Harvey?

"Mahal ko siya! Love, love, love lang dapat," saad niya.

MISS COLOMBIA. Naawa daw siya kay Miss Colombia.

"May mga nasabi rin ako sa kanya na i-take down niya yung mga post niya sa Instagram.

"Or itigil niya ang mga interviews niya, ganyan-ganyan, dapat mas naging grasyosa siya.

"Pero inisip ko, ibigay na rin sa kanya kasi siya ang napahiya.

"Wala tayo sa kanyang posisyon para sabihin na maging grasyosa ka, maging ganito ka, tayo yun.

"E, paano kung mangyari sa 'yo?"

Dugtong pa ni Jonas, "Bakit ang mga Pinoy rin, sobrang pikon.

"Noong matalo si Janine kay Miss U.S.A, ang daming hate messages."

Interestingly, ang tumalo kay Janine na si Olivia Culpo ay isa sa judges ng Miss Universe 2015.

"Judge si Olivia, hindi siya nag-ano para ipatalo ang mga Pinoy.

"Alam mo yun, dapat matuto tayong tumanggap ng defeat, maging proud kahit natalo.

"Doon mo makikita ang character dapat ng isang culture.

"Sige, nasasabi nating talunan ang Colombia, ganito ang ugali nila, ano rin ba tayo?

"Nananakit din tayo ng damdamin ng iba."

ONLY THE BEGINNING. Grade school pa lang daw si Jonas nang magka-interes siya sa mga beauty pageants.

Pero hindi raw niya inasam o naisip man na darating ang araw ay siya ang makakahanap ng pangatlong Pinay beauty na mag-uuwi ng Miss Universe crown.

"No naman, hindi ko naman naisip na one day magiging ganyan ako.

"Gusto ko lang, interesado lang ako," saad ni Jonas.

Kailan niya na-realize na may mata pala siya para sa beauty-queen material?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, noong 2001, na-scout ko ang isang girl, yung Law student sa U.P.

"Eventually, nanalo siyang Miss Universe-Philippines, si Zorayda Andam, siya ang nanalo at first time ko rin yun."

Masasabi ba niyang ang pagkapanalo ni Pia ang biggest feat niya bilang isang talent scout?

"It's only the beginning," saad ni Jonas, "I think, there's more, hindi lang beauty pageant ang buhay ko.

"Manager rin ako, agent din ako, may modeling agency, lahat ng ito, ginagawa ko.

"Ang pagbi-build up hindi lang ng beauty queen kung hindi lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.

"At kung kasama ako, ang pagbi-build up din sa sarili ko, siyempre, mas marami akong matutulungan.

"I think, I'm just starting my life na ina-achieve ko ang mga bagay na gusto ko sa buhay not only for myself, but for everyone else that I care about."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN