Janice de Belen says no big deal about Priscilla Estrada using ex-hubby John's surname

Janice de Belen praises Priscilla Estrada for using her husband's name, which she never did when she was married to John Estrada. She says, "I'm actually, happy na ginagamit niya... hindi lahat ng mga nag-artista ay ginagamit yung family name ng asawa nila. John should be proud that she actually does that."


Nagpasalamat si Janice De Belen sa magandang paglalarawan tungkol sa kanya ni Priscilla Estrada, ang maybahay ngayon ng ex-husband niyang si John Estrada.

Parehong nasa cast sila sa bagong romantic-comedy sefries ng ABS-CBN, ang Be My Lady, na tatampukan ng real sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

At sa presscon ng teleserye ay pinuri ni Priscilla si Janice bilang isang mahusay na actress, magalang at kahanga-hangang panoorin.

Maraming eksena ang dalawa sa serye.

Si Priscilla, bilang isang strict Brazilian mother ng young Daniel, at si Janice, bilang guardian-nanny nito.

NO BIG DEAL. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagka-face to face nang maraming beses ang dalawa mula nang maging kasintahan hanggang sa pinakasalan ni John si Priscilla.

Matagal nang hindi nag-uusap sina Janice at John kung kaya't bihirang magkaroon ng pagkakataong magkaharap sina Janice at Priscilla.

Pero sa presscon ay hindi halos nakapagsalita si Janice dahil sa magandang paglalarawan sa kanya ni Priscilla.

Matapos siyang magpasalamat sa Brazilian beauty queen ay iginiit ni Janice, "Hindi po kami magkaaway."

Nagtataka raw siya, "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang big deal sa lahat ng tao that we're going to work together.

"Hindi po kami magkaaway, there is no reason for us to be enemies."

Bago pa nga raw natuloy ang project, tinanong muna siya ng direktor na si Ruel Bayani.

"Sabi ko, wala namang problema. Bakit naman magiging problema?

"On the first day of work na magkasama kami ni Priscilla, siyempre lahat ng tao alam kong nakikiramdam sila.

"Kung may magsasapakan ba o magkakagulo ba?

"And I did my best to make her feel comfortable, not because I am there, it's because it's her first time."

Binigyan pa ni Janice ng pangalan ang tandem nila ni Priscilla: JANPRI, mula sa unang tatlong letra ng mga pangalan nila.

Ito ay dahil sila ang mapapanood sa first two weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S IN A NAME? Napansin sa presscon na kung dati ay kilala ang Brazilian beauty queen bilang si Priscilla Meirelles maski kasal na sila ni John, ngayon ay ginagamit na niya ang apelyido ng asawa.

Ipinaliwanag nitong dahil kasal na siya kay John kaya karapat-dapat lang na gamitin nito ang apelyido ng asawa.

Kailanman ay hindi ginamit ni Janice ang apelyido ni John kahit noong sila'y kasal pa.

Komento niya, "E, de Belen nga ako, ibigay na natin yun sa kanya [Priscilla].

"Kanya yun, hindi na ako kasama. I'm actually happy na ginagamit niya.

"Huwag na nating balikan ang nakaraan, I'm happy na.

"Buti nga ginagawa niya yun, hindi lahat ng mga nag-artista ay ginagamit yung family name ng asawa nila.

"John should be proud that she actually does that."

Sa comment naman ng entertainment columnist na si Ethel Ramos na siya ang original "Be My Lady" ni John, pakli ni Janice, "Huwag na, hindi na kailangan yun!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN