Janice de Belen resolves not to work with ex-husband John Estrada

Janice de Belen is looking good, proving that having a love life is not always the reason for a woman to bloom. As she says, "I think I made peace with what I have and what I do not have in my life, 'yan ang importante."


Taong 2004 pa nang ma-annul ang marriage nina Janice de Belen at John Estrada.

Noong taong ding iyon nagkakilala si John at ang misis niya ngayong si Priscilla Meirelles, pero 2007 sila nagkaroon ng relasyon.

Kaya ayon kay Janice, walang ilangan sa pagitan nila ni Priscilla, kahit pa may usap-usapan dati na nadadamay ang Brazilian beauty queen sa away nina John at Janice.

Pero ngayong nasa cast pareho sina Janice at Priscilla sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Be My Lady, naungkat na naman ang nakaraan.

Sabi ni Janice, "First time ko siyang ma-meet dati, wala na.

"Nakita ko siya 40th ni Douglas [Quijano, yumaong manager nina Janice at John].

"I think nakita ko siya several occasion and okey naman," lahad niya.

Paliwanag pa niya, "Ganito lang 'yan, hindi kami magkagalit, hindi rin kami best friends.

"It's safe to say that we're okay, masyadong OA kung friends kami or best friends kami.

"Basta hindi kami magkaaway, walang gano'n kasi nga, hindi naman kami nag-overlap."

Wala raw rason para magalit si Janice kay Priscilla.

"By the time she came along, walang-wala na kami ni John, annulled na kami ni John.

"Sobrang walang-wala na kami, wala na kaming pakialaman sa isa't-isa."

Nakapayam si Janice ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon ng Be My Lady, ang daytime series na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Kapamilya network.

Naganap ito noong Lunes, January 11, sa 9501 restaurant, ELJ Communication Center sa compound ng ABS-CBN.

AT WORK. Kumusta ang unang pagsabak ni Priscilla sa pag-arte.

Aniya, "Okey naman, it's her first time, I would understand na talagang ninerbyusin siya."

Inaalalayan naman daw niya si Priscilla, "Pag meron siyang hindi naiintindihan, I would tell her kung ano yun."

Ano naman ang sabi ni Priscilla sa ginagawa niyang pag-alalay?

Tactful si Janice sa kanyang sagot.

"Alam mo kasi, pag nagtatrabaho kayo, nagti-take, nag-i-eksena, wala nang time sa daldalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So we do what we need to do, halimbawa parang your blocking is diyan.

"Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi sa headset.

"Pag hindi niya masyadong naiintindihan, sinasabi ko sa kanya, 'You start from there.'"

Sino sa kanila ang unang nag-a-approach?

Aniya, "When we were working together, hindi naman yun talagang approach.

"As we were working together, siyempre nakita ko na kinakabahan siya.

"Nakikita ko naman kung may ka-eksena ako na kinakabahan at hindi pa sure sa kung ano ang mangyayari."

WORKING WITH JOHN. Kung okay kay Janice na makatrabaho si Priscilla, puwede na rin ba si John?

"Hindi pa rin," mabilis niyang sagot.

"I would rather not.

"Kasi si Priscilla pa lang nga ang kasama ko, wala nang tigil ang usapan, can you imagine kung magtatrabaho pa kami [ni John] together?

"So let's not complicate things anymore, tama nang ganito. Kami na lang ni Priscilla ang pinag-uusapan.

"Susmaryosep, hindi pa nga kami nagtatrabaho together natatanong na ako lalo pa kaya, alam ko naman.

"Hindi ako masyadong problema? She might feel uncomfortable, hindi ako.

"Wala naman akong problema, mas may malala pa akong narinig kaysa sa ganitong issue, di ba?

"So siya, baka sa kanya, this is all new."

Sa presscon, nag-comment ang entertainment columnist na si Ethel Ramos na si Janice raw ang unang 'Be My Lady' ni John.

Narinig rin ito ni Priscilla na napangiti na lang.

Reaksiyon ni Janice, "Siyempre, nailang ako for her, di ba, parang hindi na ako kasama diyan."

Naiintindihan naman daw ni Janice kung bakit hindi pa nakakapag-move on ang marami sa sitwasyon nila ni John na matagal nang hiwalay.

"It's part of the industry, e.

"It's part of what makes it exciting, I guess, na pinag-uusapan.?"

FAMILY MATTERS. Pagdating naman sa relasyon ng kanyang mga anak kay Priscilla, wala raw masasabi si Janice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "I'm sure pag may problema, magrireklamo sila, pero wala namang gano'n.

"Hindi naman ako nagtatanong sa kanila, sila na lang ang bahalang sumagot tungkol diyan."

Okey na rin daw sila ni John.

"Nag-uusap na kami, hindi gaya ng dati, civil lang.

"Hindi naman kami barkada pero okey kami.

"Pag may kailangan kaming pag-usapan, mag-uusap kami."

Paano yung tungkol sa sustento para sa kanilang mga anak?

"Naiayos naman namin ang mga bagay-bagay," nakangiting sabi pa ni Janice.

Dagdag pa niya, "May mga kailangan naming pag-usapan regarding our kids. No'ng pinag-usapan namin e di okey na."

Pero kahit maayos na ang lahat ay hindi raw nakikita ni Janice na magkakasama sila nina Priscilla at John sa mga okasyon.

Aniya, "OA naman yun, there are things that are acceptable for some and there are things that, let's put it this way, I'm more realistic about our situation.

"It's not a romantic movie. It's not like that.

"It's not a fantasy movie, it's not like that. Let's be realistic."

Mas kuntento na raw si Janice na maging co-worker lang o civil lang sila ni Priscilla kaysa maging magkaibigan sila.

Paliwanag niya, "Kasi mas maraming masasabi pagka gano'n.

"Saka wala namang ways para pagtagpuin kami as friends.

"I mean, we're fine.

"On a realistic note, we are fine."

BEING SINGLE. Sa comment na wala pa rin siyang partner o love life, nagbiro si Janice, "aya siguro ako bumabagets dahil wala akong love life."

Sabi pa niya, "Alam mo yung mga bagay na ganyan, hindi minamadali 'yan.

"Every time na magtatanong sa akin ng ganyan, parang gano'n lang ba kadali yun?

"Saan ba nabibili ito? It's not that simple."

Kapansin-pansin ang pagiging masaya niya kahit wala siyang boyfriend.

"Oo naman!"

Sinabi pa ni Janice na wala siyang ini-entertain na suitors, pero hindi raw niya isinasara ang puso niya sa bagong pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali man, hindi raw ito magiging issue sa mga anak niya. Napag-uusapan nga raw nila at ng kanilang tiyahin na si Gelli de Belen.

Sabi ni Janice, "Yung isa kong anak, minsan kay Gelli, sabi niya, 'Tita Gelli ang feeling ata ni Mommy, dapat magka-boyfriend siya. Feeling ata niya, kami ang boyfriend niya, kasi siguro nakukulitan sa amin,' sabi ni Kyla.

"Actually, ang sabi ng anak ko sa akin, 'Ma, bakit hindi ka mag-date?'

"Sabi ko, 'Ganun ba kadali yun? You know, I don't know even know kung ano na ang dating.

"Nagbabago na ang mga bagay-bagay so hindi ko na maintindihan yung mga nagaganap.

"Kahit yung kaibigan ko, sinasabi ko, 'It sounds so easy.'

"Wala raw problema kay Janice kung mauna pang magkaroon ng boyfriend ang panganay niya."

Si Ina ang eldest daughter niya.

Dugtong ng aktres, "Hindi naman ako nakikipag-race sa kanila.

"Kung meron e di meron, kung wala e di wala, gano'n talaga.

"I think I made peace with what I have and what I do not have in my life, 'yan ang importante."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN