Erich Gonzales sees Daniel Matsunaga an ideal husband

Erich Gonzales can cite hundred reasons why she has fallen for Daniel Matsunaga, but she sums it up just as meaningfully in a few words: "Pagdating sa love, walang ifs, walang buts, walang whys. You love the person because you just do, no reason."


Mag-iisang taon na ngayong 2016 ang love story nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, at tila mas lalo pa silang nagiging sweet sa isa't isa.

Kitang-kita ito sa kilos nila sa presscon ng Be My Lady, ang bagong morning serye ng ABS-CBN na sila ang bida.

Ginanap ito noong Lunes, January 11, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

May mga bagay pa ba silang nadidiskubre sa isa't-isa habang tumatagal ang relasyon nila?

Sagot ni Erich, "Ako po siguro, mas nakikilala namin ang isa't isa.

"Mas napapatunayan ko po siguro na si Daniel po, he's worth everything.

"He's the best thing that ever happened to me? I've no regret, masaya, thank you, Lord.

"I just thank God for him, for his life, everything."

NOT IN A RUSH. Prenuptial photos ba nila yung Instagram posts ni Erichna kuha sa Bali, Indonesia, kung saan sila nagbakasyon?

Umiling ang dalaga, at sinabing para sa birthday iyon ni Daniel.

Dugtong niya, "Pero we don't wanna rush something that we want to last forever? We're just taking our time."

Kung sakali naman at biglang mag-propose ng kasal si Daniel, handa na ba si Erich?

Lahad niya, "Pareho naman po kami na may gusto pang, hindi naman marating, maabot pa yung mga pangarap namin sa buhay.

"At pagdating po sa mga bagay na 'yan, hindi naman po 'yan basta-basta yung sinasabi niyo na marriage.

"That's a life-long commitment, dapat ready po tayo riyan mentally, financially, emotionally .

"We just wanna enjoy things, and kung yun po ang plano ng Diyos para sa amin, sana masaya kung yun po ang ending."

Sabi pa niya, "And sa ngayon, we want to focus on Be My Lady dahil hindi lahat ng tao, nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

"At sobra po kaming grateful sa management, sa lahat po, worth it ang lahat ng puyat at pagod ng mga tao dito sa Be My Lady."

HUSBAND MATERIAL. Nakikita naman raw ni Erich na magiging mabuting asawa si Daniel.

"Aside from having the same faith, masasabi ko, nakikita ko ngayon, si Daniel po talaga, he's really a family man.

"Napaka-responsible po niya sa edad na niya, hindi po lahat ay may ganyang klaseng pananaw at paninindigan sa buhay.

"At may goals po siya sa buhay niya, marami siyang dreams, at napaka-hardworking po niyang talaga.

"I think yun yun, at saka, maalaga."

Nasabi ni Daniel na si Erich rdw ang pinakamalaking blessing na nangyari sa kanya, ano naman ang masasabi niya run?

"Ikaw rin naman," nakangiting sagot ni Erich kay Daniel mismo.

Nakita ba niya na isang foreigner pala ang mapapangasawa niya?

"Honestly po, wala," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

[quote id="5"]

EDGE OF LOVETEAM. Mga love teams ang masasabing nangunguna ngayon sa telebisyon, pero ang pinagkaiba nila, sila ang masasabing real at reel love team talaga.

May pressure ba na nararamdaman ang tandem nila?

Sagot ni Erich, "Siguro po, yung pressure po, palagi lang naman nandiyan.

"And I think it's good para hindi kayo kumalma, makapante.

"Para ma-push mo pa yung sarili mo kung hanggang saan or kung ano pa yung kaya niyong ibigay."

Ano naman sa palagay ni Erich ang edge ng kanilang love team sa iba?

"We're not here naman to compete with them, we're so blessed na nangyari, nagkataon po na magkatrabaho kami.

"I mean, hindi naman po siya yung, 'Sige na, mag-love team tayo para magka-show tayo.'

"Like what Direk Ruel [Bayani] said, yung concept na 'to, nabuo na po even before pa na naging kami.

"And we're just being real, yung script lang, kapag sa show po.

"Pero off-cam, we're just being real, enjoying. We're just very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN