Daniel Matsunaga on Erich Gonzales: "She's my future...ang pinakamalaking blessing sa buhay ko."

Daniel Matsunaga is not one to rush things. Having set up his own restaurant from his earnings in showbiz, he is now building a home for his family in Brazil. Is Erich Gonzales part of his plan? His answer does not surprise, "I'm working on a lot of things right now and that's for my future, she's my future and that's for her, too."


Hindi itinanggi ni Daniel Matsunaga na may mga pagkakataong nababanggit o napag-uusapan nila ni Erich Gonzales ang tungkol sa pagpapakasal.

"Siyempre naman, nababanggit. May plans, oo naman," positibo niyang sabi.

"Pero sa ngayon, sobrang focused kami sa work, sobrang busy kami sa mga schedules namin.

"Pero mahal ko siya, mahal na mahal ko siya, and let's wait for the right time.

"God really has his own timing, I waited for three years for this relationship and why not wait for a little bit more for forever?"

Ang biro kay Daniel sa press conference ng teleserye nila ni Erich na Be My Lady, ang opening line niya dapat ay, "Be my bride."

Mabilis niyang hirit, "When I mean it po, when talaga yung totoo po, sasabihin ko po sa kanya."

Kailan naman kaya yun?

"Surprise po for now, Be My Lady po muna kami," nakangiti niyang sabi.

HIS FUTURE. Sa ngayon, nakikita raw ni Daniel kay Erich ang mga qualities na hinahanap niya sa isang babae.

Aniya, "I guess, you know each other by that time.

"I fell in love with Erich not just because of her beauty, but also because of her whole package.

"She's God-fearing, she's a Christian, and malaking bagay para sa akin na malapit siya sa pamilya ko.

"Mabait, malambing, lahat nasa kanya po."

Dugtong pa ni Daniel, "And the most important thing that we can give to each other is time, and we do that.

"We get stronger every day.

"Kahit may maliit lang na mistakes, by talking, we find out yung pinaka-strong or pinaka-weakest point.

"We get stronger because of those maliit na bagay."

HOUSE FOR ERICH? May bahay na ipinapatayo si Daniel at malapit lang daw ito sa bahay ni Erich.

Ito na ba ang bahay na ipinapatayo ni Daniel para sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm working for it, I'm really working for my future in the Philippines.

"And I told everyone na dito talaga yung plano ko, to stay here and bring my family here.

"I'm working like double-time sa lahat, sa mga work ko, sa mga business ko.

"And thank you, Lord, I'm being very blessed.

"I'm working on a lot of things right now and that's for my future, she's my future and that's for her, too."

Kuwento pa ni Daniel, "Noong dumating ako rito sa Pilipinas, alam ko how you are as people.

"You, guys, are so welcoming, so warm.

"When I got here with my sister, we really felt like we we're in Brazil also, we felt like home.

"And Erich, siya ang pinakamalaking blessing sa buong buhay ko. Well, I expect it naman."

GOALS. Ang Be My Lady ang papalit sa Ningning ngayong Lunes, January 18, ng umaga.

May nararamdaman bang pressure si Daniel sa unang teleserye na pagbibidahan nila ni Erich?

"Siyempre, ito yung first project ko after PBB [Pinoy Big Brother], siyempre, may pressure nang konti."

Inilarawan niya ang kanyang character.

"Yung role ko run, it's foreigner rin, pero, at the same time, parang rebelde siya noong bata siya.

"So iba siya kesa sa character ko na totoo, I'm trying to do my best."

Dugtong niya, "Yung pressure na you have to do your best to try to achieve your goals, marami akong objective in life at ito yung isa.

"I really pressure myself para maging successful yung show, at para maging masaya yung mga directors namin at yung rating din, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN