Ramon Revilla Sr. attends Kuya Germs's wake

Si dating senador Ramon Revilla Sr. daw talaga ang nagpumilit na dumalo sa ikalimang gabi ng lamay ni German "Kuya Germs" Moreno noong Martes, January 12, ayon sa manugang nitong si Congresswoman Lani Mercado. Magkasama noon sa Sampaguita Pictures sina Ramon at Kuya Germs.


Kahit naka-wheelchair at nagpapagaling pa, gumawa ng paraan ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr. na dumalo sa ika-limang gabi ng lamay para kay German "Kuya Germs" Moreno noong Martes, January 12, sa Mt. Carmel Chapel, Quezon City.

Kahit hirap na sa pagsasalita, pinilit pa rin ng dating Sampaguita star na makapagbigay-pugay sa mga naging ambag sa showbiz industry ng kanyang kasabayan.

Ikinuwento rin niya ang masasayang samahan nila noon bilang mga artista.

Ayon sa manugang ni Ramon na si Congresswoman Lani Mercado, ang 88-year-old na biyenan niya ang nagpumilit sa kanilang pumunta sa lamay, lalo na nung nalaman nitong sponsored ng Sampaguita stars at ng grupong Stars of '66 ang misa kagabi.

Lahad ni Lani, "Oo. Nung nalaman niyang Sampaguita ang sponsor of the night, sabi niya [pupunta siya]; plus the memories niya sa kanyang mga contemporaries kasama na si Kuya Germs.

"Si Kuya Germs, kada moment na siya ay dumalaw kay Daddy, kasama sina Tita Gloria [Romero], si Manay Ichu [Maceda]... dinalaw nila si Daddy.

"I think yun yung mga rare moments na hindi makakalimutan ni Daddy kaya he opted to come here.

"Kasi sa mga special occasions namin, nandiyan talaga si Kuya Germs , so parang tatay naman talaga namin siya."

View Gallery: Sampaguita stars reunite at Kuya Germs's wake

Bukod sa naging tatay-tatayan ni Lani si Kuya Germs, nagsimula ang kanyang showbiz career via GMA Supershow.

"Oo, I was 16 years old. Siguro yung paghahasa ng pag-e-emcee natin, dun talaga masasabing na-enchance.

"I've always mentioned this that sa GMA Supershow nagka-boyfriend, nag-asawa, at nagkaanak.

"I was part of GMA Supershow for eleven years.

"And beyond that, Kuya Germs has been family, pamilya na ang turingan namin."

SAD FOR HUSBAND. Isa pa sa dinadalang lungkot ni Lani ay ang hindi pagpayag ng korte na makadalaw ang nakapiit na asawang si Senator Bong Revilla Jr. sa lamay ng mentor niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inapela nila ang desisyong ito, ngunit hindi pumayag ang Sandiganbayan na makakadalaw si Senator Bong sa huling lamay ni Kuya Germs na nakalagak ngayon sa Studio 7 ng GMA Network.

Bukas, January 14, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang Master Showman sa Loyola Memorial Park sa Marikina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN