James Reid's former love team Devon Seron feels happy for JaDine

Devon Seron on former love team James Reid's tandem with Nadine Lustre: "Time nila talaga ito. Sobrang pinaghirapan din nila ito. Naghintay din sila nang matagal. I wish na sa susunod na mga years pa, more success pa ang darating sa kanila."


Si Devon Seron, isa ring teen housemate sa Pinoy Big Brother 2010, ang unang ipinareha kay James Reid..

Kaya't maraming tagahanga ang James-Devon tandem na nanghinayang nang lumipat si James sa VIVA, kung saan siya ipinareha kay Nadine Lustre.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Devon sa presscon ng Be My Lady noong Lunes, January 11, sa 9501 restaurant ng ELJ Communication Center ng ABS-CBN, tinanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa estado ngayon ng dating kapareha.

Sagot ni Devon, "I'm very happy for him, for the both of them. Time nila talaga ito.

"Sobrang pinaghirapan din nila ito. Naghintay din sila nang matagal.

"I wish na sa susunod na mga years pa, more success pa ang darating sa kanila."

Hindi ba siya nanghinayang na binuwag yung kanilang tandem?

"Hinayang? Sobrang solid pa rin yung mga fans namin [ni James] pero maybe si Nadine siguro talaga yung perfect match niya sa love team talaga.

"Happy naman ako, and I'm supporting him sa mga shows niya lalo na ngayon na nag-i-mprove talaga siya."

Sinabi rin ni Devon na bukas siya na magkasama sila muli ni James sa isang proyekto, lalo't walang nagbago sa samahan nila.

Saad ni Devon, "Oo, ano naman kami, we're friends. We're in good terms kahit di kami nagkikita, di kami nagkakausap.

"Pero pag nagkikita naman kami, parang wala lang, parang kahapon lang kami magkasama. Same pa rin, walang nagbago, very approachable pa rin.

"I'm looking forward na sana, in the future, magkatrabaho kami, kahit di na kami love team, magkatrabaho pa rin kami."

Inamin ni Devon na wala na silang komunikasyon ni James.

"No, we don't talk anymore pero okay naman kami."

NEW LOVETEAM. Masaya si Devon ka-loveteam niyang si RK Bagatsing sa Be My Lady, na magsisimula nang i-ere sa ABS-CBN sa January 18, bago ang It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Devon, "Very light lang sa set, very good vibes, lahat sila. Makakausap mo silang lahat.

"Pinapayuhan ako. Sobrang happy ako. Nae-enjoy ko yung every taping namin na magkakasama kami.

"Actually, first time kong nakatrabaho si RK. Hindi ko pa siya kilala nun.

"Pero nung first taping namin, sobrang approachable siya. Nagkakuwentuhan kami. Very gentleman and mabait."

HAUNTED MANSION. Kasama si Devon sa pelikung Haunted Mansion, na balitang pang-apat sa pinakamalaki ang kita sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Labis na nagpapasalamat si Devon na nagpa-block screening ang kanyang mga tagahanga para sa Haunted Mansion.

"Di ko inakala na nandiyan pa rin sila kasi di ba ang tagal na? Parang five years na mula nang lumabas ako sa PBB. Saka nagulat ako kasi sobrang solid nila.

"Nagpa-bs [block screening] pa sila. Sinuprise nila ako that day.

"Sobrang grateful ako na sobrang supportive nila, and nandiyan sila lagi pag may mga events. Kahit sobrang lalayo, very supportive fans sila."

Labis din na natutuwa si Devon sa balitang pangatlo ang Haunted Mansion sa top 4 highest-grossing movies sa MMFF. Kontrabida ang role niya dito.

(ED'S NOTE: Pero ayon sa mga nakausap ng PEP na taga-movie industry at cinema, pang-apat ang Haunted Mansion noong closing day ng MMFF.)

"Sobrang saya nung nalaman namin na first day pa lang, top three na siya. Sobrang na-shock kami kasi yung whole cast talaga, mga teens kami.

"Nung una talaga, sobrang kinakabahan kami. Di namin alam kung magpu-pull off ba talaga 'yan. Nung nalaman namin, sobrang saya namin.

"Grateful ako na nakasama din ako sa Regal. Napili din ako bilang isa sa mean girls. I'm very, very grateful and happy."

Hindi ba natakot si Devon na ma-bash ng mga tagahanga ni Janella Salvador sa Haunted Mansion?

Kontrabida ang role ni Devon at masama ang naging pagtrato niya sa karakter ni Janella sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Devon, "Hindi naman. Actually very friendly ang mga fans ni Janella. Alam nila na work is work talaga.

"Nung nalaman nila na kasama kami, sila pa yung nagta-tag. Sobrang nakakatuwa lang talaga.

"Masaya, masayang mag-play ng mga maldita roles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN