Herbert Bautista denies rift with Kris Aquino

Quezon City Mayor Herbert Bautista on ex-girlfriend Kris Aquino: "Ako as far as I'm concerned, hindi kami nag-away ni Kris. Either personal or even political level or professional, wala kaming rift ni Kris."


Nilinaw ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na wala silang away ni Kris Aquino. Hindi raw totoo na pulitika ang ugat ng away nila ng Kapamilya aktres-TV host.

"Ako, as far as I'm concerned, hindi kami nag-away ni Kris. Either personal or even political level or professional, wala kaming rift ni Kris," paliwanag ni Herbert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media nang i-treat niya ang entertainment press na may kaarawan ng January to March sa Victorino's Restaurant, Scout Rallos, Quezon City, noong January 11.

Pinilit ba ni Kris si Herbert na tumakbong senador?

Sagot ng actor-politician, "Hindi naman. Dahil as early as January of 2015 or December of 2014, I volunteered sa partido na, 'O baka puwede niyo akong i-consider as senator.

"So they did. They considered.

"Until doon sa filing ng candidacy after consultations with a lot of sectors, that includes her [Kris], I decided to run for reelection, sa pagka-mayor. Last term na, e.

"'Tapos mayroon kang tatlong kalaban na independent candidates na wala namang significant party support.

"So when I was interviewed by Karen Davila, tinanong ako ni Karen, 'Is it true na may kinalaman ba si Kris dito?'

"Sabi ko, 'Well, isa siya sa mga nagsabi na if I run for the Senate, she will support me. If I run for reelection, she will also support me.

'Then, I withdrew my intent to run for the Senate and decided to run for reelection.

"So yun. I don't think that there's any rift or conflict or away between me and Kris on a personal, political or professional level."

Ano ang masaasabi ni Herbert sa hulang makakaroon ng second chance ang relasyon nila ni Kris?

"Hindi ko alam. Hindi ko napanood ang episode na iyon, e. Hindi ako makakapa-comment dahil hindi ko napanood iyon, e," paiwas na sagot ni Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MMFF MOVIE. Tinanggi rin ni Herbert ang balitang tinanggal siya sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na All You Need is Pag-Ibig dahil nag-back out daw siya rito.

"Actually, malungkot ako na hindi ako nakasama sa pelikula. I felt bad initially. B

"ut ako rin kasi mismo ang sumulat sa Star Cinema na huwag na nila akong isama.

"I gave it [the letter] to Ma'am Malou Santos [Star Cinema managing director], kasi hindi ko alam kung ano ang tatakbuhin ko at that time, kung senator or mayor.

"So para makapag-shooting na sila, 'Huwag niyo na akong i-consider sa movie.'

"I just formalized my intent na huwag na akong isama para hindi sila mabitin. '

"I also felt bad na hindi ako kasama sa movie, but at the same time, initiative ko rin naman na hindi masama sa movie.

"Hindi ako tinanggal sa movie. Ako ang nag-back out," paglilinaw ni Herbert.

Dagdag niya, "I wrote a letter na officially and formally declining na, 'Diyahe naman po, huwag niyo na akong i-consider na. Kasi baka gahulin kayo sa oras.'

"Nakapag-shooting ako ng isang araw, pero wala na yun. Kasi nag-iba na ang kuwento, e."

Isa ba ito sa rason ng away nila ni Kris?

"No, there's no rift, e. Hindi kami nag-away at all. It just that I considered yung timetable ng paggawa ng pelikula.

"Kasi they have to start shooting.

"I think ang shooting nila was second week or third week ng October. E, may deadline yung submission sa filmfest.

"So dahil hindi pa ako nagde-decide kung ano ang tatakbuhin ko that time, baka hindi sila matuloy o mabitin pa sila kung kasama pa ako.

"Therefore, I officially declined and I respectfully wrote a letter to Star Cinema na, 'Ma'm, pasensiya na po kayo. Huwag niyo na akong isama para huwag kayong mabitin.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Smooth pa rin ba ang relationship nila ni Kris after that?

"Friendship siguro, hindi relationship," nakangiting sagot ni Herbert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN