Herbert Bautista reveals Vic Sotto's advice on matters of the heart

Quezon City Mayor Herbert Bautista on Vic Sotto's advice to him: "Several times kung magco-consult ako sa kanya, he would always say na mahirap mag-isa. You need somebody that you will care for and who will care for you."


Itinanggi ng Quezon City mayor na si Herbert Bautista na naiinggit siya kay Vic Sotto dahil malapit na itong ikasal kay Pauleen Luna.

Ani Herbert, "Hindi naman ako nainggit. Okay lang naman. I'm happy for Vic. I've worked with him since 1985. On and off, nagkikita kami.

"Siya nga yung maraming advice sa akin na mahirap yung mag-mature na mag-isa. Several times kung magco-consult ako sa kanya, he would always say na mahirap mag-isa.

"You need somebody that you will care for and who will care for you. And I think he has found that person kay Pauleen na tunay na magmamahal sa kanya at mamahalin niya."

Younger woman din ba ang gustong mapangasawa ni Herbert?

"Younger? E well, hindi ko pa alam. Wala pa 'ata ako sa age na yun na maghahanap ako ng younger," nakatawang tugon niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Herbert nang i-treat niya ang entertainment press na magbe-birthday from January to March sa Victorino's Restaurant noong Monday, January 11.

PRAISES FOR MARICEL SORIANO. Samantala, hangang-hanga si Herbert kay Maricel Soriano, ang leading lady niya sa Sa Shake, Shaker, Shakest: Ang Epic Horror-Comedy, ikalawang episode ng pelikulang Lumayo Ka Nga sa Akin.

Ani Herbert, "Spoof ito ng mga horror movies. Talagang una, magaling si Direk Andoy [Ranay] na within a short period of time, natapos namin yung pelikula, kasi required.

"'Tapos si Maricel was very supportive of the new cast members. Sina Shy [Carlos], JM [Ibanez] at Andrew [Muhlach], talagang tinuturuan niya ng acting, motivation, kung ano yung dapat na reaction, etc.

"Ako naman dahil mahiyain ako, e, hindi ako masyadong nag-a-assert, dahil Maricel Soriano 'yan. You give the time and space to her.

"Pero siya yung nagsasabi, 'Hindi, eto, gawin mo 'to, eto sabihin mo ito, eto ire-react ko,' which is okay. Very, very supportive siya, and I'm very thankful kay Ate Cel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Herbert, hindi pa rin kumukupas ang galing ni Maricel sa pag-arte at isa rin itong total performer.

"Maricel Soriano pa rin talaga, e.

"Hindi mo puwedeng alisin sa kanya, e.

"Remember na magkasama rin kami sa dalawang TV shows niya, yung Maria Maria, 'tsaka yung Maricel Live! And kumakanta siya, sumasayaw, nagpapaiyak.

"Talagang total performer si Ate Cel."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN