Sancho delas Alas mesmerized by Kylie Padilla

Sancho delas Alas is in the cast of Wish I May, the new GMA teleserye starring Miguel Tanfelix and Bianca Umali. He says, "Walang negative feedbacks po sana... noong mapanood ako sa My Bebe Love, okey naman po ang feedback nila sa akin."


Kung pipili raw ng makaka-partner Sancho delas Alas sa isang teleserye, gusto niya ay si Kylie Padilla.

Sa press launch ng GMA teleserye na Wish I May sa GMA Network Center, nagkuwento ang Kapuso newbie kung bakit si Kylie ang kanyang "ultimate crush."

Kasama raw niya ang kanyang ina na si Ai-Ai delas Alas nang una niyang makita si Kylie.

"Noong una ko po kasing nakita si Kylie, na-mesmerize na ako sa ganda niya, talagang hindi ko na siya malimutan.

"Kasama ko kasi si Mama noon, nakasakay kami ng elevator.

"Noong magbukas ang elevator, bumungad si Kylie at ang sister niyang si Queenie.

"Binati nila si Mama. Ako naman, natulala ako kasi ang gaganda nila.

"Tinanong ko si Mama kung sino sila, sagot ni Mama na anak sila ni Robin Padilla.

"Nakatrabaho kasi ni Mama si Robin sa isang pelikula kaya niya nakilala sila Kylie at Queenie.

"Kaya simula noon, si Kylie na ang crush ko talaga."

Alam daw ng mommy niya na may paghanga siya sa mestiza actress.

"Sinabi ko kay Mama na si Kylie ang gusto kong makatrabaho if ever na mag-showbiz ako.

"Ngayon at nandito na ako sa Kapuso network, sana nga po, matupad ang wish kong iyon.

"It would be nice kung makatrabaho ko si Kylie balang-araw," ngiti pa ni Sancho.

CURRENT SERIES. Sa teleserye na Wish I May ay support si Sancho sa loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Excited si Sancho dahil unang teleserye niya ito, at the same, kinakabahan siya sa magiging reaction ng mga televiewers sa kanya.

"Sana po maging nice sila sa akin, walang negative feedbacks po sana.

"Good vibes lang po tayong lahat.

"In fairness naman po, noong mapanood ako sa My Bebe Love, okey naman po ang feedback nila sa akin.

"Parang may mga nag-iisip pa kung ako nga yung anak ni Ai-Ai delas Alas, hindi po ba halata," sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OWN IMAGE. Ang gusto talaga ni Sancho ay magkaroon ng sariling image bilang isang dramatic actor.

Taliwas ito sa akala ng marami na comedy ang tatahakin niya sa TV at pelikula, at gagawing inspirasyon ang kanyang ina.

Kilala bilang Comedy Queen si Ai-Ai, at hindi nga maiiwasang ikumpara sa kanya ang anak kapag pinasok din ni Sancho ang pagpapatawa.

Sabi ng binata, "Gusto ko si Mama na lang ang komedyante sa pamilya namin, mahirap na yung ma-compare ako sa kanya.

"Sasabihin nila na, 'Uy, magaling ang nanay mo sa comedy, kailangan magaling ka rin!'

"Nakaka-pressure po iyon kaya mas gusto kong mag-drama, may mga paghuhugutan naman po tayo.

"Gusto ko po na may sarili akong image na hindi katulad ng kay Mama.

"Though gusto ko rin namang subukin ang comedy balang-araw, yun din kasi ang ini-expect sa akin ng marami.

"Pero kung may chance na makapag-drama ako, bakit naman hindi natin po subukan?"

COOKING. Nag-aral ng culinary arts si Sancho sa Center for Culinary Arts, pero hindi pa raw siya puwedeng matawag na isang certified chef.

"Matagal-tagal pa po bago ako matawag na chef, hindi ko pa natatapos yung program kasi nag-stop po muna ako," paliwanag niya.

Pero panigurado ni Sancho, "Nasa plano ko pong balikan ang program para kahit papa'no ay maabot ko ang chef status."

Sa bahay raw nila ay matatawag siyang kusinero dahil kung may request daw na pagkain si Ai-Ai, lutuin niya.

"Like noong nakaraang Christmas at New Year, ako po ang nag-prepare ng Noche Buena at Media Noche.

"Enjoy naman po kasi nakakapag-eksperimento ako sa mga usual na kinakain natin kapag sa mga okasyon na iyon.

"Pati table setting at plating, ginawa ko rin kasi kasama iyon sa pinag-aralan natin.

"Kaya si Mama, pahinga na muna siya sa pagluto kasi ako na ang naka-assign sa kusina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN