Pia Wurtzbach interested in politics: "Maybe when I'm a bit older."

Pia Wurtzbach sees herself in politics someday: "I just have to do some more homework and get right qualifications so I can do the job properly."


Nagpahayag ng interes si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na pasukin ang mundo ng pulitika pagdating ng araw.

Sa kanyang interview sa HOT 97 radio sa New York noong January 13, tinanong ng disc jockey ng radio program kung kasama ba sa plano ni Pia na pasukin ang pulitika.

"Have you been in your life really became aware, politically? Is that part of your path as well?" tanong ng DJ kay Pia.

Sagot ng beauty queen, "I wouldn't mind. Maybe when I'm a bit older, in a few years' time, get some more experience.

"I can see myself doing public service in the Philippines."

Dugtong pa ni Pia, "I just have to do some more homework, and get right qualifications so I can do the job properly."

NO DATES FOR PIA. Tinukso rin si Pia sa pagtu-tweet ng Hollywood actor na si James Franco sa kanya.

Ito ay matapos sabihin ni Pia sa isa sa kanyang mga interviews na crush niya ang Hollywood actor.

Tila nakarating naman ito kay James at nag-post kamakailan ng photo collage nila ni Pia.

Tanong ng DJs kay Pia, hindi ba siya niyaya ni James sa isang formal date?

"No," tugon ni Pia.

Tungkol naman sa post ni James, maiksing paliwanag ni Pia, "That was on Instagram. It's nice. It's fun."

Paglilinaw ng Pinay beauty queen na wala pang Hollywood celebrity na nagpakita ng interes sa kanyang makipag-date.

Biro niya, "I'm quite surprised myself. I'm thinking, 'Shouldn't it be easier for me now to meet somebody and go out on a date?'

"But then there's nobody.

"I don't know what am I doing wrong."

Tinanong din siya kung wala bang nagdi-DM (direct messaging) sa kanya at nag-aaya para lumabas?

Sagot ni Pia, "Nobody's asking me out on dates.

"I have people sending me DMs to say that I'm their idol or maybe some bashers here and there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I haven't received anything from like a guy asking me out."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN