Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ignores haters: "They see me rollin', they hatin'"

Idinaan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pamamagitan ng throwback picture ang mensahe niya sa mga haters. Isa sa mga hashtags na kanyang ginamit ay #hatersgonhate.


Isang buwan halos matapos siyang koronahan bilang Miss Universe 2015, hindi pa rin nilulubayan ng mga bashers si Pia Wurtzbach.

Ngunit deadma lang ang ating ikatlong Miss Universe sa mga ito.

Ngayong araw ng Biyernes (Huwebes sa New York), January 15, idinaan na lang ni Pia sa pagtu-throwback ng kanyang lumang larawan noon ang sagot sa mga itinuturing niyang haters.

Sabi niya sa caption: "They see me rollin', they hatin' " #throwbackthursday #killinitwithmywhitesocks #hatersgonhate

they see me rollin', they hatin' #throwbackthursday #killinitwithmywhitesocks #hatersgonhate

A photo posted by Pia Alonzo Wurtzbach (@piawurtzbach) on

Nitong nakaraang January 3 lamang, nanawagan si Pia sa kanyang mga supporters na huwag nang patulan ang mga bashers dahil nanalo naman na ang Pilipinas.

Read: Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach: ??Huwag na po pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo.??

Isa pang throwback photo ang ibinahagi ni Pia sa kanyang Instagram. Dito ay makikita ang kanyang larawan noong bata pa siya sa Iligan City, sa Mindanao.

"Proud probinsiyana" ang paglalarawan nito sa kanyang sarili.

#throwbackthursday #iligancity #proudmindanaoan #probinsyana ???

A photo posted by Pia Alonzo Wurtzbach (@piawurtzbach) on

HOMECOMING PARADE ROUTE. Samantala, sabik na ang mga Pilipino sa muling pagbabalik-bansa ni Pia.

Nakalatag na ang mga aktibidades niya simula January 23, ang araw ng kanyang nakatakdang pagdating sa Pilipinas.

Sa Lunes, January 25, inaasahan ang bonggang motorcade para kay Pia sa ilang lungsod ng Metro Manila.

Ngayong araw, naglabas na ang Metro Manila Development Authoriy (MMDA) ng mga kalsadang posibleng makaranas ng pagsisikip ng trapiko alinsunod sa parada.

Sa Facebook page ng MMDA, ganito ang nakasaad: "On January 25, 2016, starting 2:00 pm, the following roads might experience moderate to heavy traffic in line with the Homecoming Grand Parade of Ms. Universe Pia Alonzo Wurtzbach:

"Hotel Sofitel to V. Sotto, Jalandoni, Bukaneg, Padre Burgos, N. Lopez, A. Villegas, Taft Avenue, Quirino Avenue, Roxas Blvd., Buendia, Ayala Ave. up to Rustan, Novo Hotel and EDSA. Please be guided accordingly."

[Admin 03] On January 25, 2016, starting 2:00 pm, the following roads might experience moderate to heavy traffic in line...

Posted by MMDA on Thursday, January 14, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN