Dennis Trillo still evasive about real score with Jennylyn Mercado

Dennis Trillo says he'd rather keep mum about the status of his relationship with Jennylyn Mercado. "Basta, masaya lang kami... At yung sa personal namin, pribado yun on our part," he says.


Late last year, nagpunta sa Amsterdam sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Very open ang dalawa sa pag-post ng kanilang vacation pictures sa Instagram, pero tikom ang bibig nila tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Ano nga ba ang totoo?

Paiwas pa rin ang sagot ni Dennis.

"Okey naman, marami kaming napuntahang lugar.

"Pero di ko na ikukuwento kasi pribado namang lakad yun.

"Marami rin akong discoveries tungkol sa kanya, di ko na rin idedetalye dahil di naman showbiz yung samahan namin."

Mas lalo bang naging malalim ang naging samahan nila?

Aniya, "Kahit ano namang activities, basta magkasama kayo, kahit wala kang ginagawa o ano pa man.

"Pero siyempre, 'pag may ginagawa, mas maganda, kasi sini-share niyo pareho yung passion niyo."

Ibig ba niyang sabihin, ang relasyon nila ngayon ni Jennylyn ay yung tipong ini-enjoy lang nila ang isa't isa?

Wala pa rin kasing anumang kumpirmasyon sa kung ano ba talaga silang dalawa ng award-winning actress.

Ani Dennis, "Oo naman, ganun naman dapat, kahit ano'ng... kanya-kanyang opinyon 'yan, e.

"Siguro, mahirap lang magsalita ng 'tapos."

HAPPY FOREVER? Natagpuan na ba niya ang kanyang forever?

Saad ng award-winning actor, "Di ko masasabi 'yan, e. Hindi ikaw ang makakapagsabi niyan, e.

"Kumbaga, mapi-feel mo 'yan minsan pero di mo alam kung sigurado ka.

"Hindi ganun ka-definite yung ano, yung feelings."

Ano ba ang hinihintay niya para maramdaman niya na yun na ang forever?

Pahayag ni Dennis, "Siguro, time lang ang makakapagsabi.

"Kahit ano pang pagsasama yun, panahon lang yung makaka-test kung tatagal ba ang isang bagay."

Exclusively dating ba sila sa isa't isa considering na single naman sila pareho.

Aniya, "Ayaw ko na lang sagutin 'yang exclusivity na 'yan.

"Basta masaya lang kami, pareho na masaya kami sa buhay namin, sa career.

"At yung sa personal namin, pribado yun on our part."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap si Dennis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula nila ni Solenn Heussaff, ang Lakbay2Love, na ipapalabas na sa February 3.

Ginanap ito sa Max's Restaurant, sa Scout Tuazon, Roces Avenue, Quezon City, noong Miyerkules, January 13.

FORMER CRUSH. Dito ay inamin ni Dennis na naging crush niya si Solenn.

Ito ay habang ginagawa nila ang pelikulang Yesterday, Today, And Tomorrow, ang entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2011.

Pahayag ng Kapuso actor, "Nag-enjoy ako na katrabaho siya dahil, yun nga, sobrang dedicated niya bilang artista.

"Ever since...before ko siya nakatrabaho, gumawa kami ng commercial noon.

"And instantly, parang nagka-crush na rin ako sa kanya.

"Napakaganda niya noon, parang first time kong makakita nang ganung mukha.

"Bago rin ako sa showbiz, sabi ko, 'Grabe namang babae 'to.'

"Ang suwerte ko naman na nakatrabaho ko at naka-partner ko sa commercial.

"Nung makatrabaho ko siya sa Yesterday, sabi ko ang suwerte ko naman.

"'Tapos ngayon, mas lalo akong natuwa...sobra na yung improvement niya mula noon.

"Dahil siguro sa pagiging seryoso na rin niya bilang artista.

"E, nung makatrabaho ko siya noon, di pa siya sanay mag-Tagalog."

Kung sakali bang walang boyfriend noon si Solenn, posible bang niligawan niya ito?

Saad ni Dennis, "Torpe din ako kasi noon, e.

"Kung nakakakita ako ng ganun kagandang babae, nahihiya ako.

"Hindi ko alam kung ano'ng move ang gagawin ko, hanggang tingin na lang ako.

"Grabe rin talaga ang pagka-torpe ko, ganun talaga ako, hanggang tingin na lang talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN