Enrique Gil rooting for Liza Soberano as Darna, but "medyo ilang pa ako sa susuutin niya"

Enrique Gil obviously spoils her screen partner, Liza Soberano. For her 18th birthday, not only did he help organize an unforgettable beach party, he also gave her a pricey pair of Versace shoes, delivered from London.


Hindi maiwasang matanong si Enrique Gil tungkol sa malaking palaisipan ngayon sa showbiz: kung sino ang gaganap sa remake ng Darna.

Kasama ang ka-love team niyang si Liza Soberano sa natutunugang magiging bagong Darna, kahanay sina Jessy Mendiola, Nadine Lustre, at MJ Lastimosa.

At sa tingin niya, bagay naman daw kay Liza ang role nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Linggo, January 10, sa ASAP XX.

Aniya, "Bagay naman, medyo ilang pa ako sa susuutin niya if ever siya nga si Darna.

"Tingnan natin, pero sa tingin ko di pa ngayon kasi busy pa kami sa taping.

"Of course, I'll be proud of her, it's an honor.

"You'll be in the Philippine history forever pag Darna ka, it's a big thing for her.

"Kung okay siya dun, kung kumportable siya, go for it."

LIZA'S GLAMPING PARTY. Naging usap-usapan ang bohemian-themed celebration ni Liza para sa kanyang 18th birthday na balitang ideya ni Enrique.

Kuwento ng aktor, "Well, kaming lahat, ayaw niya kasi talaga ng celebration, she just wanted to celebrate her birthday.

"Sabi namin, 18, hindi puwede, kahit magalit siya.

"Basta kailangan i-celebrate yung 18th birthday niya. Yun ang napili namin, bohemian."

[gallery id="9153"][gallery id="9153"]

Pero talagang nasa plano na raw na mag-stay sa isang beach resort ang family ni Liza na galing pa sa U.S.

"Mahilig kami sa beach 'tapos something new, something different, so we wanted a beach party.

"Tamang-tama ang plano namin pagdating nila dito, just to stay in a beach house.

"From the party celebration dun with all the family, all the friends, mas gusto nila more private time with the family.

"Just the family, her. and us sa beach house, dun kami lumipat from Talisay, Batangas.

"Malapit sa Anilao yun, kami-kami na lang."


BIRTHDAY GIFT FOR LIZA. Pareho raw sila ni Liza na ayaw sa malaking celebration,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never pa akong nag-celebrate ng birthday ko nang ganun.

"Kain lang with family, barkada lang, di yung tipo ng event na maraming tao.

"Ayoko ng ganun, ganun din siya."

Isang mamahaling sapatos ang espesyal na regalo ang binigay raw ni Enrique kay Liza.

"Ang dami ko nang gifts sa kanya, akala niya tapos na.

"Pero may binili pa akong sapatos na matagal na niyang gusto, Forevermore days pa.

"Yung Versace na suot lagi ni Kendall Jenner, pina-order ko sa London, yung black na may gold, high cut.

"'Tapos yung white naman, yun ang matagal na niyang gusto, so yun, binigay ko sa kanya.

"Parating pa lang yung shoes, alam na niya.

"May mga bags din akong binigay sa kanya 'tapos yung party."

NEW PROJECTS. Masaya ring binalita ni Enrique na malapit nang simulan ang seryeng pagtatambalan nilang muli ni Liza sa Kapamilya network, ang Dolce de Amore.

"Ang narinig ko, February. Excited, it's been a while since nung nakita kami sa TV, sa teleserye.

"I just want to have the feel, yung tipong Forevermore feel na everyone is crazy.

"This is something different, ako nag-e-enjoy.

"I enjoy a lot kasi mas marami akong ginagawa."

Bukod kasi dito ay may pelikula rin siyang gagawin sa direksyon naman ni Direk Paul Soriano.

"Mag-i-start na kami soon, it'ss action/suspense based on a true story.

"Sobrang ganda ng script so sabi ko, 'Gawin na natin 'yan.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN