Solenn Heussaff relates how her dad was mugged in Argentina: "At least walang nasaktan, materyal lang 'yan."

Solenn Heussaff with Nico Bolzico. The actress maintained that the gathering held in Argentina, and attended by her family and friends, Anne Curtis, Isabelle Daza, and Georgina Wilson, was not a wedding but a celebration of their engagement.


Maraming beses na raw nagkita ang mga magulang nina Solenn Heussaff at ng live-in partner niya for five years at fiancé na si Nico Bolzico.

Pero sa unang biyahe ng parents ng aktres sa bayan ni Nico sa Argentina nitong holiday season, na-mug ang kanyang ama.

Kuwento ni Solenn, "Well, yung first day namin sa Argentina, hindi masyadong maganda kasi may mugger.

"May guy na sumuntok sa dad ko, medyo delikado sa Buenos Aires...pag may relo ka, may mga parang gangs.

"Ayun, first day nawala yung watch ng dad ko.

"Hindi na namin ni-report sa police kasi medyo matagal.

"Kailangan mong maghanap ng witness and you won't ever find the guy again.

"At least walang nasaktan, materyal lang 'yan.

"At least, may bagong story na maisusulat niya [her dad] sa libro niya."

Nakausap namin si Solenn sa presscon ng movie nila ni Dennis Trillo na Lakbay2Love noong Miyerkules, January 18, sa Max restaurant sa Quezon City.

Dito ay isinalarawan ni Solenn ang naging bakasyon nila sa Argentina kasama ang pamilya at ilang kaibigan.

Mi familia #BuenosAires #Argentina #TangoShow

A photo posted by @solennheussaff on



Naroon din ang younger brother niyang si Erwan at ang girlfriend nitong si Anne Curtis. First time rin daw ng dalawa sa Argentina.

Dumating din si Isabel Daza, na second time na raw nakapunta doon, at si Georgina Wilson.

Two weeks sila sa Argentina, "Gusto ko talaga every Christmas, active yung vacation ko dahil, siyempre, pag Christmas season you always end up eating so much.

"We went to Patagonia, nag-hiking kami, nag-horseback riding kami, mountain climbing, water rafting, iceberg hiking."

IMPROMPTU GATHERING. Dun daw nila naisipang i-celebrate ang engagement nila ni Nico.

Lahad ni Solenn, "Plan naman talaga yung celebration kasi I haven't been there in two years.

"Yung family, biglaan lang talaga. Like I said, every year nasa Argentina ako.

"Sabi ng mom and dad ko, 'Sige, punta kami.' Sabi ko nga, 'Sure kayo?' Kasi thirty hours ang byahe.

"Nung bumili sila ng ticket, sabi ng brother ko, 'Sige, since mom and dad, we haven't spent Christmas together a long time,' punta din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Belle, pumunta siya three years ago with me, fan siya ng horseback riding.

"Sabi niya, 'If Anne and Erwan are going, punta din ako.'

"'Tapos biglang sumali rin si George [Georgina Wilson].

"So, wala naman, I didn't invite anyone kasi malayo naman yung lugar.

"They just decided to come for the vacation kasi maganda din doon sa South America."

ERWAN AND ANNE. Natanong din si Solenn tungkol sa relationship nina Erwan at Anne.

May ideya ba siya kung nalalapit na ang engagement ng dalawa?

Sagot niya, "Hindi ko pa alam, bata pa si Erwan, pero matagal na sila, six or seven years na.

"Erwan is very secretive, if anything would happen in the near future, hindi niya sasabihin sa akin."

Ni wala raw tuksuhang naganap sa Argentina kung kailan nga susunod sina Erwan at Anne.

"Hindi, everyone has their own thing, their own time.

"Hindi porke't lahat ikakasal na, kailangan din [silang] ikasal.

"People get married after fifteen years. There's no time for marriage."

LAKBAY2LOVE. Tungkol naman sa leading man niyang si Dennis Trillo, bilib daw si Solenn sa pagiging professional aktor nito, bukod sa pagiging mahusay umarte at guwapo.

Patuloy niya, "Pagdating sa work, hindi siya yung tipo ng artistang magkukuwentuhan, makikipag-tsismisan with other people.

"He's very private, and I respect that.

"When we were shooting Lakbay2Love, galing siya sa shooting ng Felix Manalo or taping serye with Jennylyn [Mercado].

"Wala siyang tulog pero nandun pa rin siya, giving his hundred percent.

"Lahat ng mga eksena namin, nakakapagod rin kasi biking, hiking, super respect ako sa kanya.

"Marunong naman akong mag-bike, yung mountain biking medyo delikado kasi maraming rocks, may big rocks.

"Kailangan mong malaman kung kailan puwedeng mag-break, kung kailan hindi, how strong the break.

"They're teaching you naman the proper way of breaking , the proper way of handling the biking, yung training."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa February 3 na ipapalabas ang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN