Ara Mina confused about status with Patrick Meneses: "Nawi-weirdan din ako sa aming dalawa...unexplainable!"

If Ara Mina will have her way, she wants Patrick Meneses to be the dad of he next baby: "para parehas ang tatay, isa lang ang tatay nila."


May siyam na buwan na raw hiwalay sina Ara Mina at si Patrick Meneses, pero nanatili raw silang magkaibigan.

"Okey naman kami, we're friends," saad ni Ara tungkol sa estado ng relasyon niya ngayon sa ama ng kanyang anak na si Amanda.

Ayon pa sa kanya, "Hindi naman kami nagkagalit, ganun talaga ang life, nag-separate ways kami."

Nilinaw ni Ara kung ano ang ibig niyang sabihin sa "separate ways."

"Before kasi, nagli-live-in kami, di ba, so umuwi siya sa kanila.

"Hindi kami magkasama pero almost every week kaming nagkikita."

Nakausap si Ara ng PEP.ph (Philippine Entertainment Press) at iba pang entertainment reporters sa presscon ng Tasya Fantasya, ang bagong weekly serye ng TV5 na magsisimulang mapanood sa February 6.

Wala na bang pag-asang magkabalikan sila?

"I'm not closing my door," lahad pa ni Ara.

So ano ang status nila ngayon ni Patrick?

"Bestfriend?" natawang sabi niya.

Nakuha pa niyang magbiro, "Virgin ako ulit ngayon."

Wala naman daw siyang alam na dine-date na ibang babae si Patrick.

"Wala naman. Hindi ko alam, baka nagpo-postpartum siya," natawang biro uli ni Ara.

Lahad pa niya, "Actually, hindi ko alam kung bakit niya na-decide? Wala naman daw siyang problema sa akin.

"Kasi kung may problema sa akin, hindi kami magkikita, hindi niya ko kakausapin.

"Wala rin naman akong problema sa kanya, wala namang third party na involved, hindi rin kami nag-away.

"Nag-usap lang na, nangyayari pala yung ganun, kahit wala kayong away, puwede kayong maghiwalay."

CONFUSED. Weird nga raw ang situation nina Ara at Patrick.

Kapag may mga espesyal na okasyon tulad noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay sila pa rin daw ang magkasama.

"Nawi-weirdan din ako sa aming dalawa," natatawang nasabi ni Ara.

Kung naguguluhan sa kanila ang mga followers or fans nila, ganun din daw siya.

"Huwag silang mag-alala, parehas kaming naguguluhan."

Romantically attracted pa rin ba siya kay Patrick?

"Sa ngayon, ayoko munang isipin kasi ayokong mag-expect.

"Pero nung last time na nag-usap kami, parang wala na talaga, but that was eight months ago.

"Kasi after naming maghiwalay, after one month, parang ayaw pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So hindi na ko nag-a-approach ulit ngayon.

"Parang natatakot na kong mag-try or tanungin ulit na, 'Hey, what's the status? Do I need to moveon?"

"Sinasabi ko in print, in public, na hindi ko masabi sa kanya."

Wala na rin daw sabihan ng "I love you" sa pagitan nila,

"Wala nang ganun, nami-miss ko na nga, e," natawa pa ring sabi Ara.

Masasaktan kaya siya kapag nakita niyang may iba nang dine-date si Patrick?

"Doon ko pa lang siguro malalaman kasi ngayon, ang feeling ko, unexplainable.

"Parang hinahanda ko na ang sarili ko na mag-move on kaya lang, hindi kasi ako depressed."

PARANG HE'S THE ONE. Sa ngayon, hindi pa raw iniisip ni Ara ang mag-entertain ng mga bagong manliligaw. Pero hindi niya itinanggi na meron.

"May mga nagtetext, pero hindi ko muna ine-entertain for now.

"Alam mong may mga nagte-text, pero kapag in-entertain ko, baka dun na ang punta, ligawan ako or something.

"In fairness naman, medyo maraming nagpaparamdam."

Puwede rin naman daw siyang ligawan ulit ni Patrick.

"Isa pa nga 'yan, gusto ko siyang tanungin tungkol diyan.

"Before, nasabi niya na okey lang daw na may manligaw sa akin para maging masaya ako, matagal na yun.

"Pero nararamdaman ko kasi na he still cares for me," lahad pa ni Ara.

Kaya nga raw siya pumayag na magkaroon na ng anak kay Patrick ay dahil ito na ang gusto niyang makatuluyan.

Sabi pa ni Ara, "Puwede naman akong mag-baby noon pa sa mga previous, pero hindi ko kinonsider.

"Pero ngayon, kinonsider ko at ready ako, parang siya na nga."

Kung sakali na gusto nga niyang bigyan ng kapatid ang anak, si Patrick pa rin ba ang wish niyang maging ama?

"Kung sakali lang na tipong wala pa at, siyempre, may hinahabol tayong edad.

"Gusto ko namang magkaroon ng kapatid si Mandy e di ba minsan, ang hirap mag-entertain ng another.

"At saka para parehas ang tatay, isa lang ang tatay nila."

Minsan nga raw ay gusto nang sabihan ni Ara si Patrick na maging "friends with benefit" sila.

"Kaso, alangan namang ako ang mag-initiate, kahit naman nagpaseksi ako, medyo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORK LOAD. Limang taon na ring nasa pangangalaga ng VIVA si Ara, pero magtatapos na raw ang kontrata niya sa May.

Masaya pa rin naman daw siya dahil napakarami raw niyang trabaho ngayong 2016.

Lahad ni Ara, "Na-excite naman ako, alam mo naman kapag work, sabay-sabay na dumarating.

"May offer rin sa akin ang kabilang channel, ang GMA.

"Sumabay sa Panday taping, e, may Barrio Kulimlim pa ako sa Cignal, kami ni Shy Carlos.

"Eto pang Tasya, kasama pa rin ako sa Girlfriend for Hire, yung movie nina Andre [Paras] at Yassi Pressman.

"May indie movie rin ako with Matteo Guidicelli, yung Tupang Ligaw."

Dagdag pa niya, "At least, naka-one year na ang anak ko, hindi na mahirap."

Kaya full-time na siya ulit pagtatrabaho.

Sabi pa ni Ara, "Ngayon kasi, nagpapayat na rin ako.

"Last year, naghintay lang ako ng four months bago ako magpapayat kasi 180 lbs ako noong buntis ako.

"Ngayon, parang nasa 150 pounds, siguro mga less than 15 pounds pa, puwede na ako.

"Kasi kapag pumapayat ako, humahaba ang mukha ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN