Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa keep mum about daughter Ciara's separation

Senator Tito Sotto on daughter Ciara's decision to separate from husband Joe Oconer: "We'd rather leave it to her, leave it to her discretion kung ano ang gusto niyang ipaalam sa publiko about her relationship, her marriage. Nasa kanya na."


Ang mag-asawang Senator Tito Sotto at Helen Gamboa ang ilan sa maagang dumating sa pasiyam para sa yumaong Master Showman na si German Moreno ngayong Linggo, January 17.

Ginanap ang pasiyam na misa at hapunan sa Sampaguita Gardens na inorganisa ng pamilya Vera Perez sa pangunguna ni Manay Ichu Vera-Perez at sa tulong ng mga malalapit na kaibigan.

Pagkatapos ng misa ay kaagad na nagpaalam sina Tito at Helen.

Bago sila umalis, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang mag-asawa kaugnay sa pinagdadaanan ng kanilang anak na si Ciara Sotto.

Kinumpirma nilang umuwi na nga sa kanila si Ciara kasama ang kanilang apo na si Baby Crixus.

Pero tumanggi silang magbigay ng pahayag tungkol sa desisyong pakipaghiwalay ni Ciara sa kanyang asawang si Jojo Oconer.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Jojo Oconer

Pahayag ni Sen. Sotto, "We'd rather leave it to her, leave it to her discretion kung ano ang gusto niyang ipaalam sa publiko about her relationship, her marriage. Nasa kanya na."

Ang pakiusap lang nila ay igalang muna ang kahilingan ng kanilang anak na katahimikan at gawing pribado ang desisyon niyang pakikipaghiwalay.

Sabi ng senator-TV host, "Hindi namin 'ika nga'y gustong isapubliko ang aming pag-uusap at ang sinasabi niya sa amin."

Dagdag ni Helen, "She just wants to keep her privacy in the meantime."

Singit naman ni Tito Sen, "At the moment, we're leaving it up to her muna. Diskarte niya yun."

Dagdag ni Helen, "Sabi nga ni Lola Nidora, 'sa tamang panahon.'"

Ayon pa kay kay Sen. Sotto, "At the moment, hayaan niyo muna kung ano ang feel niya, kung ano ang diskarte niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN