Director Joyce Bernal speaks up about cursing talents on the set

Director Joyce Bernal on handling her emotions on the set: "Kapag nagalit ako, kailangan kong umalis. Magka-kape ako. At pagbalik ko, kailangang masaya na ako. Kapag nasaktan kita, kesehodang mali ka or mali ako or tama ako, nasaktan kita, magsu-sorry ako. Pero ie-explain ko yun..."


Hanggang ngayon, mainit pa ring pinag-uusapan at pinagdedebatehan ang isyu tungkol sa pagmumura ng direktor na si Cathy Garcia-Molina sa ilang talents ng 2014 ABS-CBN primetime series na Forevermore.

Kaugnay nito ay hiningan ng pahayag ng entertainment press si Joyce Bernal sa presscon ng bago niyang idinirek na pelikula, ang Everything About Her, nitong Linggo ng gabi, January 17, sa 9501 Restaurant sa ELJ Bldg., sa loob ng ABS-CBN compound.

Bilang direktor, nakakapagmura rin ba siya sa set ng ginagawa niyang teleserye o pelikula?

Tugon ni Direk Joyce, "Kapag nagmura ako, ibig sabihin sagad na yun."

Ano ang mura niya?

"Nagpu-P.I. ako. Pero ibig sabihin, sagad na yun.

"Pero ang ano ko, 'Sasapakin kita!'"

Ano ang reaksiyon niya sa isyung kinahaharap ngayon ni Direk Cathy?

"Sabi ko, 'Shit, nangyari na rin sa akin 'yan, a!'

"Nakapagmura ako at saka malamang... minsan, may talents ka na pulis.

"Minsan, akala mo talents sila, yun pala totoong pulis. Never assume.

"At saka, kahit sinuman 'yan, kahit sanay na siyang namumura, masakit pa rin kapag namura ka. Masakit pa rin yun.

"Mas lalo na kapag hindi ka sanay, masakit pa rin yun.

"Kasi, nangyari rin sa akin yun nung bagu-baguhan ako.

"Nasabihan ka rin ng masasakit na salita at na-hurt din ako.

"Pero sinasabi ko agad. Madirekta kasi ako."

Nagsu-sorry siya?

"Kapag nasaktan kita, kesehodang mali ka or mali ako or tama ako, nasaktan kita, magsu-sorry ako.

"Pero ie-explain ko yun."

Pagkatapos ng taping o shooting o patatagalin pa niya?

"After," mabilis na sagot ni Direk Joyce.

COOL DIRECTOR. Hindi raw napanood ni Direk Joyce ang naging interview ni Direk Cathy kaugnay ng issue.

Pero kahit humingi na ng paumanhin ang direktor ay nagbigay na naman ng panibagong pahayag ang talent na si Alvin Campomanes kaugnay ng mga binitawang salita ni Direk Cathy.

Ano ang masasabi ni Direk Joyce dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "Baka dapat magkita sila para tapos na. Baka dapat magkita sila."

Bilang isang ring direktor, na kay Direk Cathy rin ba ang simpatiya niya?

"Pareho kaming direktor ni Direk Cathy, so I know what happened. At alam ko, nagkakamali ako."

May insidente na bang pinauwi niya ang isang talent dahil hindi makuha ang gusto niyang gawin?

"Pinapapalitan ko," sagot ni Direk Joyce.

Kilala sa industriya si Direk Joyce sa pagiging 'cool director.'

"Oo? at saka umiiwas ako sa ganyan.

"Kaya kong murahin ang mga artista, kaya kong murahin kahit sino, pero mahirap sa ano...

"Mahirap sa mga talents kasi alam mo yung kinikita nila.

"And most of the time, gusto nilang makasama ang mga artista, hindi lang nila alam ang pinapasok nila."

EYE-OPENER. Naging eye-opener daw kay Direk Joyce ang nangyaring isyu kay Direk Cathy.

"Yes, and actually, pelikula pa lang ni Ate Vi na Ekstra, nakita ko na ang sarili ko dun.

"Tapos yung nangyari kay Direk Cathy.

"Hindi ko lang alam, ha, pero feeling ko, sa lahat ng director, e. Sa lahat yun.

"Imposibleng wala kang ano, e."

Isa sa ipinunto ni Alvin sa kanyang pahayag ay mabago raw sana ang kulturang pagmumura sa set.

Pabor ba si Direk Joyce dito?

"Tama, tama," pagsang-ayon niya.

"Minsan kasi, iba kasi ang taping. Wala masyadong preparation sa talents.

"Ang dami mong kukunan, di ba? Dapat, yung talent mo, ready.

"Kung pelikula 'to, makakarir ko siya. Aabot kami sa point na hindi na siya mapapahiya, e.

"Kaso taping. Ang dami niyong kinukunan."

Kaya hindi rin daw niya masisisi si Direk Cathy.

Sa isang banda, magkaiba raw sila ni Direk Cathy ng paraan ng pagdidirek.

Sabi ni Direk Joyce, "Kapag galit kasi ako, hindi ako makapagdirek.

"Kapag nagalit ako, kailangan kong umalis. Magka-kape ako.

"At pagbalik ko, kailangang masaya na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nasaktan kita, kesehodang mali ka or mali ako or tama ako, nasaktan kita, magsu-sorry ako.

"Pero ie-explain ko yun..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN