Angel Locsin still noncommittal about playing Darna again

Angel Locsin on doing Darna in case she lands the role again: "Kinikilig ako kasi alam niyo pong mahal ko po talaga ang project."


Sa kabila ng naging pahayag ni Angel Locsin na hindi na niya magagawa ang remake ng Darna dahil sa naging problema sa kanyang likod, maingay ang balitang siya pa rin ang gaganap sa iconic role sa bagong movie version nito.

Sa press conference ng pelikulang Everything About Her kahapon, January 17, hindi masagot nang diretso ng Kapamilya actress kung siya pa rin ang gaganap bilang Darna sa pelikulang ididirek ni Erik Matti.

Sabi ni Angel, "Naku po, ako po talaga... nakita niyo naman po ang interview ko po sa Abunda Tonight.

"Noong sinabi ko po na hindi po ako magda-Darna... ako po kasi, nagpapagaling pa po.

"Not for anything else, kung sakali... kung sakali, tingnan natin.

"Kasi kailangan healthy lang po ako... gusto kong magka-baby sa future rin."

Pero may mga nagsasabing siya pa rin ang gaganap na Darna.

Tugon niya, "Ako raw po ba?

"Kinikilig ako kasi alam niyo pong mahal ko po talaga ang project."

Kumusta naman ang health niya ngayon?

"So far, doing okay," nakangiti niyang sabi.

Kung sakali, ito ang ikalawang pagkakataong gagampanan ni Angel ang papel na Darna.

Una niya itong ginampanan sa fantaserye ng GMA Network noong 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN