Erik Santos, Angeline Quinto unaffected by gender issue

by Nerisa Almo
Jan 18, 2016
"Alam mo, lahat naman ng artista may ganyang isyu. Sanay na rin kami sa ganyan," says Erik Santos about gender issue thrown at him and co-singer Angeline Quinto.

Ipinagkikibit-balikat lamang nina Angeline Quinto at Erik Santos ang mga negatibong isyu tungkol sa kanilang kasarian.

Matagal-tagal na ring nali-link ang dalawang Kapamilya singers sa isa't isa. Dahil sa hindi nila tuwirang pag-amin sa anumang relasyong namamagitan sa kanila, may ilang kinukuwestiyon ang sexual preference nila.

Gayunman, tila balewala naman ito kina Erik at Angeline, na nakausap ng reporters sa press conference ng pre-Valentine concert na Royals noong nakaraang linggo.

Sabi ni Erik, "Alam mo, lahat naman ng artista may ganyang isyu. Sanay na rin kami sa ganyan.

"Kung ano ang opinyon ng mga tao o ninyong lahat, wala naman na kaming magagawa roon, we cannot please everybody.

"Pero ang maganda lang doon, maayos ang ginagawa namin, nagtratrabaho kami nang maayos.

"Masaya kami when we're together, masaya kami when we work together. Yun ang pinakaimportante."

Halos ganito rin ang reaksiyon ni Angeline, na natsitsimis na tomboy kaya diumano di niya sinasagot si Erik.

Continue reading below ↓

Ani Angeline, "Hindi pa po kami ganun ka-close ni Erik, may mga isyu na about sa gender ko.

"Kung sinuman po ang hanggang ngayon ay ganun ang nasa isip, wala naman na po akong magagawa dun.

"Basta ako, maayos ang trabaho ko, kami ni Erik ay maayos po.

"So, hindi naman kailangan na palagi ay kailangang ipaliwanag sa tao."

Sa ngayon, sabi ni Angeline, mas mainam na maging malapit na magkaibigan lamang muna sila ni Erik dahil, "Kailangan ko pa pong magtrabaho."

Read: Angeline Quinto: "Mahal ko naman si Erik [Santos]."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, lahat naman ng artista may ganyang isyu. Sanay na rin kami sa ganyan," says Erik Santos about gender issue thrown at him and co-singer Angeline Quinto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results