Matteo Guidicelli hopes next Valentine's will be more special for him and Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli on 2016 with girlfriend Sarah Geronimo: "You know, I just take event from day-to-day basis. Hindi ko binibigla. So, kung anuman ang mangyayari, mangyayari, di ba? Marami tayong projects, marami tayong mga personal na gagawin sa personal na buhay namin. So, excited talaga ako."


Natawa lang si Matteo Guidicelli nang tanungin kung pang-ilan na nila ng girlfriend niyang si Sarah Geromino ang susunod na Valentine??s Day.

Natawa ulit ang Kapamilyua actor-singer nang sabihin naming pangatlong Valentine??s Day na nila ni Sarah ngayong taon.

Hindi naman niya ito itinanggi o inamin.

Wala pa raw silang plano sa darating na Valentine??s Day. Pero kung sakali, gusto raw ni Matteo na maging pribado ang selebrasyon nila.

"Something private. Something me and my love ones," nakangiting sabi ni Matteo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niyang Tupang Ligaw, na ginanap sa Victorino??s Restaurant, kahapon, January 18.

Pero masasabi ba niyang mas espesyal at intimate ang magiging Valentine??s Day nila ngayon ni Sarah?

Sagot ni Matteo, "Siyempre, siyempre, every day gets more special, di ba?

"Sana this Valentine's will even be more special.

"Sa ngayon, hindi pa namin napag-iisipan kasi busy kami sa mga schedules namin.

"She's promoting her album and I'm promoting my album also. And now, I'm promoting my film.

"So, we're both busy."

Habang tumatagal, mas nagiging matatag daw ang relasyon nila ni Sarah.

"Oo naman, stronger and? stronger!" bulalas ng Kapamilya actor-singer.

GROWING OLD. Ngayong 2016, ano ang mga inaasahan niya para sa kanilang dalawa ni Sarah?

Ayon kay Matteo, "I don??t know, e.

"You know, I just take event from day-to-day basis. Hindi ko binibigla.

"So, kung anuman ang mangyayari, mangyayari, di ba?

"Marami tayong projects, marami tayong mga personal na gagawin sa personal na buhay namin.

"So, excited talaga ako.

"I'm always excited to grow old and mature as a person.

"Life gives you unexpected things all the time.

"Masarap yung mga bagay na ganyan, e."

Nagmarka sa amin ang sinabi ni Matteo na "grow old."

Kaya tinanong namin siya kung excited din ba siya to grow old with Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, oo naman, oo naman, di ba?" nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN