Matteo Guidicelli to celebrities involved in video scandals: "Let's just be careful."

Matteo Guidicelli on his 2015: "Excellent year. Siyempre, there's up and down. I lost my grandfather last year but, you know, everything happens for a reason."


Naging maganda para kay Matteo Guidicelli ang taong 2015.

"Excellent year," sambit niya.

"Siyempre, there's up and down.

"I lost my grandfather last year but, you know, everything happens for a reason.

"Halimbawa, yung lolo ko, pangarap niyang talaga na magkaroon ako ng teleserye na Italyano ako.

"Sabi ko sa kanya, 'Hindi mangyayari yun, Lolo, dahil nasa Pilipinas tayo.'

"But when he passed away, a few months after, ABS-CBN offered me a show and it's called Dolce Amore, and I??m playing an Italian character. Nag-shoot kami sa Italy.

"So, timing talaga ang mga bagay."

Patuloy ni Matteo, "Kagabi naman [Jan. 17], nag-album launch ako sa Venice Piazza.

"Yung lolo ko, from Venice din, at sa Venice Piazza kami nag-launch.

"We??ll never know, it happened for a reason.

"Ang daming blessing."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa presscon ng indie film niyang Tupang Ligaw nitong Lunes, January 18.

VIDEO SCANDAL. Sa pagpasok ng 2016, dalawang video scandals agad ang bumulaga sa publiko, kung saan sangkot ang isang Kapamilya actor at isang Kapuso talent.

Kaya naman naitanong kay Matteo ang tungkol dito. Sigurado bang wala siyang video scandal na posibleng kumalat sa Internet?

"Oh, nakakatakot naman!" natawa niyang sabi.

Pero dugtong ng actor-singer, "Wala naman. Alam naman natin ang mga ginagawa natin.

"Alam naman natin na faithful tayo sa girlfriend natin.

"Delikado ang social media, kaya we have to be careful on what we post.

"Not just scandal, but what we say on social media, what we put out there, because the whole world can see it, di ba?"

Bilang isang aktor, ano ang reaksiyon niya sa mga kumakalat na video scandals ng kapwa niya celebrities?

Ayon kay Matteo, "You know, you just have to be aware.

"It's hard to say? we cannot talk in behalf of them, but social media is open to anybody, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anybody kasi, kahit yung walang alam sa mga bagay-bagay, meron pa silang comments.

"Let's just be careful."

SOCIAL MEDIA. Mayroon daw Twitter at Instagram accounts si Matteo.

Hindi ba siya nakikipag-communicate sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa social media?

"Minsan," nakangiti niyang sabi.

Saan niya inilalagay ang intimate messages niya para kay Sarah?

"Ay, wala naman, wala namang ganyan. Harap-harapan na lang, di ba?" tawa ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN