Gloc-9 willing to lend his song for Isko Moreno's campaign

Gloc-9 on supporting presidential candidate Rodrigo Duterte: ''I think, ang sinabi ko po noon, natutuwa ako sa pamamahala niya sa Davao, but I didn't say na siya ang iboboto ko.''


Marami ang nakakapansin na malakas ang paralelismo ng kanta ni Gloc-9 na "Pareho Tayo" sa campaign line ni Isko Moreno na "Alam ko po yun."

Okey lang daw sa rapper kung sakaling lapitan siya ng vice mayor ng Manila, na tumatakbo ngayon sa pagka-senador, para gamitin ang kanta niya bilang campaign jingle.

Sabi ni Gloc-9, ''Honestly, may nakita po akong tweet na may nagbanggit nga po kay Isko Moreno.

''Pagdating po sa mga bagay na yun, palaging sinasabi ni Kuya Perry [Lansigan, his manager], 'You let me answer all those questions, ako ang makikipag-deal.'

''Honestly, yung mga bagay na yun, e, hindi ko pa iniisip sa ngayon.

''Kung mangyari man po 'yan, e, ipinapaubaya ko na sa aking management.

"I believe na ang PPL po ay may capable in taking decision sa mga ganyan.''

Pero hindi ba siya natatakot na posibleng mahahaluan ng pulitika ang career niya?

Tugon ni Gloc-9, ''Eighteen years na po ako sa trabahong ito and I can say na siguro, kung may gagawin man po akong isang bagay or if may gagawin man akong isang bagay, I think I owe it to myself.

''Naniniwala rin ako na, at the end of the day, hindi pupuwedeng idikta ng ibang tao ang kaligayahan mo, fulfillment mo as person.

''Kung gagawin ko po yun, buong-puso ko pong gagawin.

''Naniniwala rin po ako na kung may gagawin man akong isang bagay, kung tatawid po ako sa bangin, hindi ako tatawid sa bangin na nakahawak ang sarili ko.''

PICKING HIS PRESIDENTIAL BET. Hindi na bago kay Gloc-9 ang mag-endorso ng isang pulitika. Dati raw ay inendorso rin niya si Bro. Eddie Villanueva, na tumakbong presidente noong 2010 elections.

Sabi niya, ''Sobrang saya ng endorsement ko na yun. I think, mas napalapit po ako sa mga tao at nakaikot ako sa buong bansa.''

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May napupusuan na ba siyang presidential candidate ngayong 2016 elections?

Tugon ng rapper, ''Lahat naman tayo ay pipili pagdating ng eleksiyon at yung task na yun ay nasa atin.

''Siguro iisipin ko 'yan kapag malapit na malapit na malapit na.

"Yun nga po, sabi ko nga kanina, pag-upo ko sa botohan, e, pipili na ako.

"Nag-start na rin akong mag-research.

''Nagri-research din ako and, tingin ko naman, puwede akong gumawa ng magandang conclusion sa pagpili sa mga candidates natin.''

Nabanggit niya noon si Rodrigo Duterte. Ito ba ang susuportahan niya?

''Yun nga po ang palagi kong sinasabi, regardless kung anuman ang mga lumalabas online or whatever, mga promo, pag-upo natin sa botohan, e, pipili tayo.

''Hindi po ako puwedeng magsalita nang tapos ngayon. Hindi ko po alam dahil baka pagdating sa botohan, magpalit din ang isip ko.''

Paglilinaw rin niya, ''I think, ang sinabi ko po noon, natutuwa ako sa pamamahala niya sa Davao, but I didn't say na siya ang iboboto ko.''

HEALTHCARE FOR THE POOR. Bakit parang nahihirapan siyang mamili ngayon ng presidenteng ieendorso, gayong dati ay nakapag-endorso na siya?

Ayon kay Gloc-9, ''Ako po ay graduate ng Nursing. Nabanggit ko na 'to noon, e.

''Kung merong kandidato na makakapag-provide ng healthcare, lalo na sa mga mahihirap, I think may plus sa akin yun.

''Kasi, nakita ko talaga na karamihan sa mga kababayan natin, isang daang piso...

"May instance nga po before, ako ay nasa O.B. section ng isang public hospital, I think, may 39 years old na ale na nanganak ng pang-anim.

"At yung limang una, pinanganak niya sa bahay. Pero sa bunso, it's 8.5 [lbs.].

"Limang araw na siyang nagbi-bleed at dumating na siya sa hospital na maputla na.

''Wala talaga siyang pambayad ng dugo. Nagmamakaawa na siya sa amin, 'Bigyan niyo na ako ng dugo. Magbabayad naman ako kapag nagkapera kami.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''I think, it's a reality na sa hospital, yung mga nurses, nagiging manhid na sila.

''May isang nurse pa roon na kumakanta pa... hindi ko alam kung manhid na siya.

"Dumating ang asawa niya [patient] at tinanong kung may perang pambili ng dugo. Ang sagot, 'Wala po.'

"Ang sinabi na lang, 'Lapitan mo na ang asawa mo dahil mamamatay na 'yan.'

''Doon ko rin na-realize na meron talagang higher being na nagtatanggol sa atin.

''Nang tanungin ang asawa niya kung ano ang blood type niya, definitely, hindi niya alam.

"Wala nga siyang pambili ng dugo, makakapag-blood test pa ba siya?

''Noong tsinek siya, match sila ng asawa niya. Sinalinan siya ng dugo.

"Pero isa sa mga song, instances na nagamit ko rin sa pagsulat ko ng kanta.

''At dahil doon, na-realize ko na kung merong isang kandidato na magbibigay ng healthcare na maayos, lalo na sa mga mahihirap, e, may plus sa akin.''


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN