Ara Mina clarifies report that their family does not approve of Ali Khatibi for sister Cristine Reyes

Ara Mina on sister Cristine Reyes's upcoming wedding to Ali Khatibi: "Matagal na rin niyang dream na magkaroon ng sariling pamilya and ganyan nga lang, pana-panahon lang 'yan. Yung forever niya, dumating na. Ako, working out pa."


Masaya si Ara Mina para sa nakababata niyang kapatid na si Cristine Reyes, na natakdang ikasal sa boyfriend at ama ng kanyang anak na si Ali Khatibi.

Sa January 27 gaganapin ang kasal nina Cristine at Ali.

Sabi ni Ara, "Happy naman ako, kahit na mauuna siya sa akin."

Okey lang yun sa kanya?

"Nakaka-sad!" natawa niyang sabi. "Pero happy ako for her.

"Matagal na rin niyang dream na magkaroon ng sariling pamilya and ganyan nga lang, pana-panahon lang 'yan.

"Yung forever niya, dumating na.

"Ako, working out pa."

Nabanggit ni Cristine na very intimate ang magaganap na kasal nila ni Ali, na kahit ang kani-kanilang pamilya ay hindi imbitado.

Ano ang reaksiyon dito ni Ara?

Sagot niya, "Ayokong masyadong magdetalye sa wedding niya.

"Ang alam ko, dalawa ang wedding niya. May isa pa yata rito sa Manila.

"Wala namang problema, pero alam mo naman 'yang si Cristine, minsan ganito, minsan ganyan? nababago."

Nagkakaintindihan naman silang magkapatid?

"Oo... at saka mahal ang Balesin, e!??"natawang sabi ni Ara, na hindi sinasadyang isiniwalat ang venue ng private wedding nina Cristine at Ali.

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ara sa presscon ng bagong weekly series ng TV5/Viva Entertainment na Tasya Fantasya, noong January 14, sa The Music Hall, Metrowalk.

ALI IN THE EYES OF CRISTINE??S FAMILY. Pinabigyang-linaw ng PEP kay Ara ang isyung hindi raw sila ganun kaboto sa mapapangasawa ng kapatid.

Pag-amin ng aktres, "Oo, oo... Siyempre sa umpisa naman, may mga ganyan, may mga doubts.

"Lalo na kapag siyempre, kasalan na 'yan, ibang usapan na. Dapat siyempre, sure na sure ka.

"Mahirap ang annulment ngayon, di ba?

??So, yun? kumbaga, parang natatakot lang siguro ang mommy ko. Nandun lang ang fear.

"At saka, nagkakasama naman kami.

"At saka si Ali naman, may effort siya to be close."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Ara na walang sinasabi ang ina nilang si Frances Klenk na hindi ito pabor kay Ali.

"Hindi naman sinabi ni Mommy na hindi siya pabor.

"Parang may fear lang. Normal lang naman yun.

"Kahit naman sa akin, kay Pat [Patrick Meneses, ama ng anak ni Ara] may fear siya.

"Totoo 'yan. Lalo na meron pang nangyari."

Idinipensa rin ni Ara ang mapapangasawa ni Cristine kaugnay ng sinasabi ng ilan na hindi raw kasi stable ang trabaho nito.

Aniya, "Nagwu-work naman si Ali.

"Kumbaga, ano siya, responsible. Hindi siya yung tipong bum.

"May mga kilala akong bum, wala talagang work.

"As in, ito, nagba-buy and sell ng cars. Nagtuturo ng jiu jitsu. Businessman siya.

"Nagwu-work siya, at yung family niya, may kaya."

MEANT FOR EACH OTHER. Sa palagay ba ni Ara ay si Ali na talaga ang meant para sa kapatid?

"Magkamukha sila, e," tugon niya.

"Magla-last sila. Bawasan lang ni Cristine ang pagkaselosa.

"Kasi kung ako nga na hindi selosa, kita mo ang nangyari sa amin ni Pat, di ba?

"What more pa kaya."

Bagamat may anak, nagkahiwalay rin sina Ara at Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN