Dingdong Dantes not in a hurry to choose his presidential bet

Dingdong Dantes on choosing his presidential bet: "Ngayon pa lang lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao. Paano mo naman makikilala ang isang kandidato kung ang pagbabasehan mo lang ay ang mga propaganda o ang pagbabasehan mo ay ang mga ads? Oo, para makilala. Pero masuri talaga para malaman mo kung ano ba ang mga stands nila sa bawat issue na mahalaga sa akin at mahalaga sa sambayanan, e, hindi pa."


Hindi raw nagmamadali si Dingdong Dantes sa pagpili ng kandidatong iboboto o ieendorso niya sa pagka-Pangulo ngayong 2016 elections.

Saad ng Kapuso Primetime King, “Sa ngayon talaga, ginagamit ko ang lahat ng oras sa baby, sa pagpapalaki.

“Pero siyempre, hindi naman maiisantabi ang kahalagahan ng pagsusuri ng candidates, di ba?

“Kaya nga meron tayong campaign period para within those days, makilala pa natin up-close yung mga kandidato at maaaring mag-lead sa atin patungo sa pagbabago.”

Wala pa ba siya talagang napipiling presidential candidate?

“Para sa akin, ayokong magmadali,” diin ni Dingdong.

“Ngayon pa lang lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao.

“Paano mo naman makikilala ang isang kandidato kung ang pagbabasehan mo lang ay ang mga propaganda o ang pagbabasehan mo ay ang mga ads?

“Oo, para makilala. Pero masuri talaga para malaman mo kung ano ba ang mga stands nila sa bawat issue na mahalaga sa akin at mahalaga sa sambayanan, e, hindi pa.

“Because hindi pa naman sila nae-engage, number one, into debates, into forum.

“Although, meron na. Meron nang nagaganap na mga ganun.

“Pero mas magiging centered sa kanila sa campaign period na dahil dun mo lang sila makikilala.”

ENDORSING A CANDIDATE. Tiyak na may mga kandidatong lumalapit kay Dingdong para iendorso niya.

Kung matatandaan, isa siya sa mga aktibong nag-endorso noon kay Noynoy Aquino nang tumakbo itong Pangulo noong 2010.

Pero ayon sa Kapuso star, “Hindi na mahalaga yun.

“Kasi, it’s not about me naman. This campaign is about them.

“Ako naman, kung anuman ang magiging partisipasyon ko rito, ito naman ay expression ng aking pananaw.”

Kung may napili na siyang kandidato, ibabahagi ba niya ito sa lahat?

“Definitely,” sagot ni Dingdong. “Kasi, yung boto mo naman is a sign of support.”

Magiging katulad ba ng pagsuporta niya noon kay PNoy ang gagawin niya ngayong halalan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Dingdong, “Well kasi, during that time, talagang klarong-klaro naman ang choice ko noong umpisa pa lang.

“Ngayon, ang daming factor at saka ang daming lumahok.

“At iba na rin naman ngayon ang landscape because there is… definitely, meron ka nang progress from this administration.

“So, it’s really a matter kung kanino mo ipapasa ang ganitong klaseng progress.

“Kung kanino mo gustong makitang dalhin ng taong ito and, in fairness, meron silang kanya-kanya, sariling pamamaraan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN