Claudine Barretto admits to 'stalking' Gretchen's daughter Dominique

Claudine Barretto on her niece Dominique Cojuangco: "Mabait siyang bata, very humble, maganda yung pagpapalaki sa kanya, in fairness. She can dance, she can sing, she can act… actually, yun ang hindi alam ng tao. Basta ako, kung anuman ang maitutulong ko balang-araw, kung gusto niyang pumasok sa showbiz or whatever it is that she wants in life, kahit sa YouTube channel niya, I will be there to support her."


Tumangging magbigay ng pahayag si Claudine Barretto nang tangkain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumustahin ang relasyon nila ngayon ng nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen Barretto.

Pakiusap ng aktres, “Is it okay if we don’t talk about her na lang?

“Kasi ayokong masabing ginagamit ko siya. Ayoko na lang ng may ganun.”

Nang matanong si Claudine tungkol sa komento ng marami sa social media na kamukha niya ang nag-iisang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco, hindi rin siya nagbigay ng reaksiyon tungkol dito.

Bagkus, ang nararamdaman niya para sa pamangkin ang kanyang inihayag.

Saad ni Claudine, “Alam mo, mahal ko yung pamangkin ko, sobra.

“Although hindi kami… ayoko na sana… kasi baka… I mean, sabihing ginagamit ko. 

“Ako, of course, okey lang.”

Diin pa niya, “Mahal ko si Doms. 

“Alam mo, happy ako. Gandang-ganda talaga ako sa kanya. 

“Alam mo yun, hindi ako magpapakaipokrita na… kapag may nakikita akong interview niya, pinapanood ko. 

“Gusto ko... gusto ko siyang makita. 

“Yun kasi yung only way na makikita ko siya, e, through yung YouTube channel niya.”

Tawa pa ni Claudine, “Ini-stalk ko siya! Tsini-check ko yung mga posts niya.

“Yun ang feeling ko na yun ang only way na makasama ko yung pamangkin ko.”

WARNING POST. Umiwas din si Claudine na magkomento tungkol sa diumano’y warning post ni Gretchen sa kanyang followers sa Instagram na iba-block niya ang sinumang magsasabing kamukha ni Dominique ang sinuman, partikular na si Claudine.

Sabi ni Claudine, “Basta, wala akong masasabi doon.

“Ano lang… si Doms, I just wish her well. I wish she would be successful. 

“Because, alam mo, may talent yung bata, nakatago lang talaga.

“Mabait siyang bata, very humble, maganda yung pagpapalaki sa kanya, in fairness.

“She can dance, she can sing, she can act… actually, yun ang hindi alam ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, kung anuman ang maitutulong ko balang-araw, kung gusto niyang pumasok sa showbiz or whatever it is that she wants in life, kahit sa YouTube channel niya, I will be there to support her.”

MARJORIE & JULIA. Samantala, muling binalikan ni Claudine ang pagkakasundo nila ng nakaalitan din niyang kapatid na si Marjorie Barretto. 

“Birthday ni Julia [Barretto, Marjorie’s daughter] first, debut ni Julia. 

“And then, I got a call from Tita Mariole [Alberto of Star Magic]. Sabi niya, ‘Julia wants to talk to you if it’s okay.’ Tapos sabi ko, ‘Okay.’

“The first time in three or four years na hindi ko siya nakausap, and then she asked me, ‘Mama, can you be there in my debut?’ Ganun-ganun.

“Sabi ko, ‘Okay. ‘ So, okey-okey na, and then nag-stop. 

“After the debut, wala nang nangyari. 

“Ang sumunod na ay yung birthday ko. Doon na uli kami nagkasama lahat-lahat na.”

Doon na ba uli nanumbalik ang samahan nila ni Marjorie?

“I’d like to think yes,” sambit ni Claudine.

Pero hindi itinanggi ni Claudine na parang nagkakailangan pa sila ngayon ng kapatid.

“Alam mo, meron may konting awkwardness. 

“May mga moments na alam mo yung nao-awkward pa kami, kasi we won’t see each other naman every week, e.

“But slowly, mas nagiging kumportable na kami sa isa’t isa. 

“Yung mga bata, nakakasama ko na. Sina Julia, Claudia, si Danni…

“Nagkaroon ng problema noon nga at saka hindi kami nagkakasama for three years. 

“Tapos na yun, wala na yun.”

Paano sila bumabawi sa isa’t isa sa mga panahong hindi sila nagkasama?

Ayon kay Claudine, “They’re very busy also, e. Wala, through text lang. 

“Or pag my lunch only with my parents, doon lang kami nagkikita-kita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN