Andre Paras still has a crush on Yassi Pressman despite being paired with Barbie Forteza

Andre Paras on having two love teams: "Ang sa akin naman, as long as it's a different character naman and, for me, what matters is we entertain people. What I'm happy about is yung fans ng YaNdre, they support AnBie, and AnBie supports YaNdre. Hindi sila nagagalit. They're okay with it."


“It’s still there,” pagkumpirma ni Andre Paras tungkol sa crush niya kay Yassi Pressman, ang kanyang leading lady sa pelikulang Girlfriend For Hire ng Viva Films.

Ang sagot na ito ni Andre ang validation ng kuwento ni Yassi tungkol sa paglapit sa kanya noon ni Kobe Paras para sabihin na crush siya ng nakatatandang kapatid nito.

Kuwento ni Andre, “Kasi sa Sunday All Stars, nakakasalubong ko siya and I’m like, 'Yassi!!!'

“And then, nakatrabaho ko siya sa Diary Ng Panget, ang first movie namin, at dito kami naging super close.

“I like everything about Yassi. I just don’t like it kapag hindi niya ako kinakausap… joke!

"There’s nothing not to like about her."

TWO LOVE TEAMS. Malapit nang mapanood sa GMA Network ang bagong primetime series nina Andre at Barbie Forteza, ang That’s My Amboy; samantalang sa February 10 naman na ang playdate ng Girlfriend For Hire.

Para kay Andre, hindi disadvantage ang pagkakaroon niya ng dalawang love teams, ang YaNdre at AnBie, dahil mas importante raw na nakakapagpasaya sila ng mga tao.

Saad ng anak ni Benjie Paras, “People think it’s bad.

“Ang sa akin naman, as long as it’s a different character naman and, for me, what matters is we entertain people.

“What I’m happy about is yung fans ng YaNdre, they support AnBie, and AnBie supports YaNdre.

“Hindi sila nagagalit. They’re okay with it.

“For me, it’s call of the network.

“Kung ano ang ibinibigay sa akin, I just accept the role and play the character they want me to do.

“The thing I’m really happy about is, at the end of the day, napapasaya ko yung mga tao na nanonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN