Does Cesar Montano still love Sunshine Cruz?: "May natitira pang sunshine!"

Cesar Montano on not spending Christmas and New Year with his daughters with Sunshine Cruz: "Alam mo, it's impossible to deny kung sasabihin ko na masaya ako dahil dun sa nangyayari. Of course, no. Kapag may trouble sa family, kahit sinong tao, kahit sinong member ng family, anak man o asawa man o husband man, malungkot of course."


Inamin ni Cesar Montano na hindi niya nakasama ang tatlong anak nila ng kanyang estranged wife na si Sunshine Cruz noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Hindi naman kaila sa lahat na nasa poder ngayon ni Sunshine ang tatlong anak nilang babae ni Cesar.

Bilang isang ama, paano nagku-cope ang aktor sa mga ganitong pagkakataon?

Sagot niya, “Well, ganun talaga ang buhay. 

“But nandiyan naman ang Diyos para iayos ang lahat. 

“God is in control, ‘ika nga.”

May sama ng loob ba siyang nararamdaman?

Pahayag ni Cesar, “Alam mo, it’s impossible to deny kung sasabihin ko na masaya ako dahil dun sa nangyayari. Of course, no. 

“Kapag may trouble sa family, kahit sinong tao, kahit sinong member ng family, anak man o asawa man o husband man, malungkot of course.

“Kaya nga ‘yan yung nagkakaroon ng epektong hindi maganda sa mga bata, di ba?

“So, malungkot. Of course, malungkot ‘yan. 

“But life must go on. Hindi kailangang patigilin ang buhay mo.

“Katulad ko, I’m the one sending the kids to school, so kailangan.”

Siya pa rin ang nagpapaaral sa tatlo nilang anak?

“From day one, ako ang nagpapaaral sa mga anak ko and that has been my passion to send my kids to school. Akin yun,” diin ni Cesar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa presscon ng upcoming TV5 primetime series na Bakit Manipis Ang Ulap noong Lunes, January 18.

THERE’S STILL SUNSHINE. Isang diretsahang tanong ang ibinato kay Cesar: may natitira pa ba siyang pagmamahal para kay Sunshine?

“May natitira pang sunshine!” natawang sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Cesar, “Kasi palaging may sunshine, kaya nga manipis ang ulap.”

Yung love, nawala na, nawawala talaga, o wala talagang forever?

“Meron naman kasi sinabi ng Batman yun, may forever!” natawang biro niya.

Pero seryoso niyang dagdag, “Well, there is forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Agape love naman yun – that’s love of God. 

“Tayo lang talaga ang inconsistent. Tayo lang ang nagbabago.

“But God’s love is consistent.”

Nagkakausap na ba sila ni Sunshine?

“May gag order!” natawang sagot ni Cesar. “I can’t talk anything with our court cases.”

HAPPY WITH WHOM? Sa presscon proper ng Bakit Manipis Ang Ulap, sinabi ni Cesar na “happy” siya.

Kaya sinundan namin ito ng tanong kung “happy and in love” siya ngayon.

“Yes, I’m very happy and in love right now,” mabilis at nakangiti niyang sagot.

Kanino siya in love ngayon?

“Of course, hindi ko sasabihin dito.”

At saka niya idugtong na “…with my career.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN