Maui Taylor, live-in partner postpone their wedding

Maui Taylor on revealing all the details of her life to her boyfriend: "Lahat-lahat, alam niya yung pagiging luka-luka ko, pagiging gimikera ko, inom-inom ko dati. Medyo nakita niya yung side na yun,nung kakakilala pa lang niya sa akin."


Apat na taon nang nagsasama ang sexy star na si Maui Taylor at ang kanyang non-showbiz boyfriend. 

Dalawa na ang anak nila; ang panganay ay dalawang taong gulang na, samantalang limang buwan pa lang ang bunso nila.

Kahit nagli-live-in na sila, galing daw sa isang conservative family ang boyfriend ni Maui.

Lahad ng dating Viva Hot Babes member, “Nasa isang multinational company and he’s one of the associate directors. So, he has a high position.

“Plus the family kasi, conservative. The dad a former captain, mom was with ADB [Asian Development Bank].

“So, medyo ayaw ko silang i-drag into this whole showbiz stuff. 

“Pero alam nila kung saan ako galing—nag-sexy ako, nag-FHM.”

Noong simula raw ay nakaramdam si Maui na parang hindi siya tanggap ng pamilya ng kanyang boyfriend.

“Noong una, may hesitation on their part kasi hindi naman nila ako kilala, e.

“They only know me through what they see on TV, on the big screen. 

“Pero nung personally na nag-reach out na sila sa akin, okey naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maui sa presscon ng mini-series na Dalawang Gabi, noong January 14, sa Crowne Plaza.

Ipalalabas ang naturang serye sa SariSari Channel ng Cignal.

WEDDING POSTPONED. Ayon pa kay Maui, dapat ay ikakasal na sila ng kanyang boyfriend ngayong taon pero ipinagpaliban muna nila ito.

“Actually, we have plans of getting married sana.

“We were talking about proposals kung saan gusto ikasal, saan mo gustong reception, honeymoon. 

“Dapat sana this year, kaya lang dumating yung second baby, kaya kailangan naming i-move yun.

“Pero with regards to… client niya kasi very popular jeweler here sa Manila.

“Pumunta na kami doon, I tried a ring na, ganyan, we checked kung ilang karats ba ang bagay sa kamay ko.

“Nag-check na kami, na-move lang nang konti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto raw ni Maui na ikasal sa simbahan at imbitado raw ang mga kagrupo niya noon sa Viva Hot Babes.

“Up to now naman kasi minsan nagkikita-kita pa rin naman kami. 

“May reunion kami every Thursday, so kasama sila definitely.”

Kung hindi sa susunod na taon, baka raw sa 2018 na siya pakasal.

Rason ni Maui, “Palalakihin muna namin yung... lalo na yung bunso. 

“Yun yung age na ang daming gastos. So, hintayin muna naming mag-two years old.”

NO WORRIES. Kampante rin si Maui na hindi na matitinag ang samahan nila ng kanyang boyfriend.

“We already bought a house together. Nag-invest na kami sa isang Nuvali lot.

“Ganun kami ka-solid. Wala kaming fear na baka hindi matuloy…

“Alam mo naman ako, pabagu-bago ako ng isip… pero wala, hindi.

“Sure naman ako. Wala naman nang pagbabago.”

Wala raw pag-aalala si Maui na maudlot o hindi matuloy ang kasal niya ngayong nasasalang na naman siya sa showbiz.

Pahayag niya, “Kasi sa relationship namin, sure naman kami na ready na kami to enter into this whole thing called marriage.”

Hindi raw inilihim ni Maui sa kanyang boyfriend ang nakaraan niya.

Kuwento ng aktres, “Lahat-lahat, alam niya yung pagiging luka-luka ko, pagiging gimikera ko, inom-inom ko dati. 

“Medyo nakita niya yung side na yun,nung kakakilala pa lang niya sa akin.”

Pero binago na raw ni Maui ang sarili dahil na rin sa kanyang boyfriend.

“Siyempre hindi na ako bumabata, tumatanda na ako. 

“Sabi ko, it’s time to change the direction kung saan ko gustong patakbuhin ang buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN