Bimby Aquino Yap rushed to the hospital after minor accident

Kris Aquino revealed on her Instagram account that her son Bimby had an accident in school, where he fell and hit his head on the floor.


Dinala sa ospital ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap matapos mauntog ang ulo nito sa sahig.

Kuwento ng Queen of All Media sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, January 20, nasa eskuwelahan si Bimby at naglilinis ng kitchen bilang bahagi ng kanilang school activity.

Dahil basa umano ang sahig, nadulas si Bimby at nauntog ang ulo nito.

Agad namang itinakbo sa ospital si Bimby upang sumailalim sa CT scan.

Agad din daw tumungo sa ospital ang nakatatandang kapatid ni Kris na si Viel Aquino-Dee na malapit lang sa lugar, at nakipagkita sa mga assistant ni Kris sa ospital.

Nagpapasalamat naman si Kris dahil walang damage na nakita sa resulta ng CT scan.

Post ni Kris: “Bimb was cleaning the kitchen in their school, part of the program to teach independence- the floor was just mopped & very wet & he fell & hit his head hard.

“Thank God my sister Viel was in the area & met Bimb w/ Alvin, Gerbel & Bincai in the ER of Medical City. Thank you to Dr. JJ Tiongson my neurologist for attending to Bimb.

“CT Scan is thank God clear.”

Nasa Tagaytay si Kris nang mangyari ang aksidente; kasama ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco na nagti-taping para sa episode ng Kris TV.

“I'm grateful that @mrandmrsfrancisco are also parents & understood when I left them in the farm where we were taping so that I can travel back to be w/ Bimb...

“Ang hirap mag trabahong malayo sa anak. I'm just blessed I can really depend on my siblings when I'm taping far from home, 1 quick call to Viel & she was on her way to be w/ Bimb.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN