Albie Casiño mends fences with the entertainment press

Albie Casiño rues the ending of On the Wings of Love in February, "Napakasaya ng environment namin sa  set… Lahat kami good vibes lang, of course, nakaka-miss yung ganung environment."


Naging maaliwalas daw para kay Albie Casiño ang 2015.

Popular na popular ang teleseryeng On The Wings of Love na nakapagbalik sa kanya sa ABS-CBN.

Naging maganda rin ang nangyari sa kanyang personal na buhay dahil sa wakas ay nabigyang-linaw na rin ang paternity issue kaugnay ng anak ng dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Isa itong isyu na hindi mamatay-matay at naging dahilan ng paglamlam ng acting career ni Albie.

Sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Poral) noong Linggo, January 17, sa ASAP XX, nagpahayag ng pasasalamat si Albie na natuldukan na rin ang usaping ito.
   
Saad niya, “I’m just happy na tapos na, I passed that na. It’s over.

“I can concentrate on other aspects of showbiz.

“I don’t have to worry about interviews, I don’t have to worry about press anymore.”
  
Hindi naman sa nagkaroon siya ng phobia o trauma sa press; sama ng loob o galit maski kay Andi.
  
“Hindi naman, naiintindihan ko naman na trabaho nilang itanong yung mga ganun na di ko naman sasagutin.

“Anong point na magkita pa kami ng press, di ba?
  
“Walang point na mag-hold ng angst, I’m not that type of person.”

Wala raw girlfriend ngayon si Albie, pero kung magkakaroon man ay mas gusto niyang hindi taga-showbiz.

“Walang time, e. Na-experience ko na mahirap talaga sa industriya pag may girlfriend ka.
    
“Non-showbiz na lang para iwas intriga,” sabi niya.
 
OTWOL. Samantala, ikinalulungkot ni Albie ang pagtatapos ng On The Wings Of Love sa Pebrero.
   
“Of course, ngayon na malapit nang matapos, I feel sad.

“Napakasaya ng environment namin sa set ng On The Wings. Lahat kami good vibes lang.

"Of course, nakaka-miss yung ganung environment.”

Hindi pa raw niya alam kung may teleserye siyang gagawin pagkatapos.

Ang alam daw ni Albie, magiging maganda rin ang 2016 sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More projects, different roles, I’m very excited for 2016.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN