Angel Locsin admits talking to Xian Lim about her fear to work with him

Angel Locsin may as well be Xian Lim's angel for all the boosting he gets from her. She told him once, "Sa totoo lang, mabait ka palang kasama… na-enjoy ko talaga yung company mo."


Ipinagtanggol ni Angel Locsin si Xian Lim sa mga bumabatikos sa aktor kung bakit ito ang napiling leading man niya sa pelikula nilang Everything About Her.
 
Ito ang unang pelikula na magkakasama si Angel at ang "future mother-in-law" niyang si Vilma Santos.

May nagsasabing baka raw hindi makasabay si Xian sa husay sa pag-arte ng Star for All Season na si Ate Vi at ng award-winning actress na si Angel.

Bukod pa ito sa nababalitang mahirap daw katrabaho ang Star Magic actor.
 
Pahayag ni Angel, “Well, alam ni Xian yun, nag-usap kami minsan.
 
“Sabi ko, 'Xian, alam mo dati, natatakot ako na katrabaho ka kasi sa mga naririnig ko. Sorry, ha, gusto ko lang maging honest din.'

"Sinabi ko sa kanya yun direkta.
 
“‘Pero, Xian, sa totoo lang, mabait ka palang kasama… na-enjoy ko talaga yung company mo.'

“Kasi he’s very humble, at kagaya nga ng sinabi ni Tita [Vilma], very educated.

“Nagta-try siyang kausapin kaming lahat.”
 
Biro pa ni Angel, “Nagdyu-joke kahit hindi masyadong nakakatawa ang joke niya.

“Hindi kami natawa, pero may effort talaga siya, so na-appreciate ko yun.”

WHY HIM? Hindi raw mapigilan ni Angel na makaramdam ng awa kay Xian.

“Sa totoo lang, naaawa kasi ako kay Xian, lalo na kapag may nababasa ako sa Instagram. 

“Akala ko, sana hindi si Xian.

“Puwede naman nilang sabihin, 'Bakit si Angel, di ba?'
 
“Naliliitan ako sa sarili ko kasi ang dami kong sablay.

“So, parang it’s very unfair for Xian kung bakit siya ang nilalagay sa spotlight.

“Dapat mapanood lang talaga nila itong Everything About Her para makita rin ang pinaghirapan ni Xian sa tulong nga ni Direk Joyce [Bernal].”
 
Pinuri pa ni Angel si Xian sa pagkakaganap nito sa pelikula nila.

“Sinabi ko sa kanya na kapag lumabas na ang pelikula, ipapanood niya sa mga bashers niya.

“Para ma-appreciate ang pinaghirapan niya, kasi he’s really good sa film na ‘to.”
 
Halatang na-overwhelm si Xian sa mga papuri at pagtatanggol sa kanya ng co-stars at director niya sa pelikula nila, kaya naman napaluha ito.
 
Nang magpasalamat si Xian kay Angel, nagbiro na lang ang aktres ng: "Bayaran mo ako, ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN