Isko Moreno promises to continue existing projects of Kuya Germs

Manila Vice Mayor Isko Moreno on coping with German Moreno's death: "Mahirap pa rin. Kasi katulad siguro ng ibang tao, pag nawalan ka ng parang ama mo, lalo pa kung tunay mong ama, ay hindi mo basta-basta malilimot iyon ng isang linggo lang o ng ilang araw lang."


Desidido si Manila City Vice Mayor Isko Moreno na ituloy ang karamihan sa mga planong gawin at existing projects ng kanyang yumaong tatay-tatayan sa showbiz na si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs.

Mas magagawa niya raw ang mga ito kapag naihalal siya bilang senador sa May 2016 elections.

Isa na nga rito ang mai-restore ang istruktura at maibalik ang kagandahan ng Manila Metropolitan Theatre o MET.

Sabi ni Isko, “Nakamatayan na ni Kuya Germs iyan, e. Definitely MET, I’ll do my very best.

“If I get elected, I will do my best in the form of law to get it back.

“And to bring back the glory of Metropolitan Theatre, because it’s part of our history and our industry.”

Matagal na raw pangarap ito ni Kuya Germs.

“He wanted to bring the old and traditional way and how the country started in showbiz industry. Yun ang pangarap ni Kuya Germs sa MET.”

Tuluy-tuloy din daw ang pagsuporta niya sa Walk of Fame ni Kuya Germs.

“We’ll continue to support yung Walk of Fame. Every year naman sumu-support naman ako doon, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isko sa oathtaking ng bagong halal na mga opisyal ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na pinamumunuan ngayon ni Fernan de Guzman bilang Pangulo.

Si Isko ang nagsilbing inducting officer ng mga nanumpang PMPC officials sa harap ng mga miyembro ng samahan at mga taga-TV media.

Ginanap ang oathtaking noong Huwebes, Enero 21, sa Myons French Mediterranean Cuisine restaurant, sa Mayon St., Quezon City.

Paano nakaka-cope si Vice Mayor Isko sa pagkawala ni Kuya Germs?

Tugon niya, “Mahirap pa rin.

“Kasi katulad siguro ng ibang tao, pag nawalan ka ng parang ama mo, lalo pa kung tunay mong ama, ay hindi mo basta-basta malilimot iyon ng isang linggo lang o ng ilang araw lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But katulad din ng mga sinabi niya sa atin noong araw, we have to move on and continue the legacy of Kuya Germs by being compasionate o magmalasakit sa ating kapwa, magmahal sa kapwa, maging propesyunal, maging tapat sa kapwa, lalo na sa mga taong pinaglilingkuran mo.”

MORE HELP TO SHOWBIZ. Bilang dating artista, kung sakali ngang maihalal siyang senador, ano pang tulong ang maaasahan ng showbiz industry sa kanya, na hindi pa nagagawa ng kahit sinong senador na naupo sa puwesto?

Ayon kay Isko, “I think it’s high time for members of the Senate to address any form of economic privileges sa ating mga producer, sa ating mga artista.

“For example, I will give you one very good example, yung artista doon sa Estados Unidos… eto ang magandang pag-aralan sana ngayon ng mga senador, yung pag tumatanda na yung artista at wala nang nakukuha sa mga pelikulang ginawa niya o mga kantang ginawa niya… mahina pa, sa kanta mayroon na nga kahit kaunti, e.

“Pero I think yung royalty principle should be applied also to actors and actresses.

“Why? May mga kababayan tayong kapwa nating mga artista noong nagkaedad, siyempre hihina… normal naman talagang hihina ang kita mo, e.

“Pero noong kabataan mo, ang lakas mong kumita at ang dami mo nang pelikula, pero hindi mo na napapakinabangan ngayon.

“Tapos on how to encourage producers to produce more movies by giving certain privileges or tax holidays on certain movies, especially if movies will talk about our history, movies that will talk about our culture na mapapanood ng mga kabataan.

“This will also encourage nationalism.”

Siyempre, gusto rin daw ni Isko na tulungan ang entertainment press katulad ng ginagawa ni Kuya Germs noong ito’y nabubuhay pa.

Ikinatuwa nga ni Isko nang ipaalam sa kanya ng PMPC na magkakaroon ang grupo ng tribute para kay Kuya Germs sa darating na Star Awards for Movies sa Marso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN